Rock legend Pepe Smith suffers third stroke; now under observation

by Arniel C. Serato
Nov 15, 2017
Kasalukuyang inoobserbahan sa isang ospital ang rock icon na si Pepe Smith matapos itong makaranas ng third stroke, kagabi, November 14.

Kasalukuyang inoobserbahan ang kalagayan ng Pinoy rock legend na si Joey ‘Pepe’ Smith matapos itong makaranas ng stroke bago mag-hatinggabi nitong Martes, October 14.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News online ngayong araw, November 15, dinala ang 69-year-old rock singer sa emergency room ng Metro Antipolo Hospital and Medical Center (MAHMC) matapos itong magreklamo ng hindi normal na galaw ng kanyang dila.

Inilipat si Pepe sa Acute Stroke Unit ng MAHMC bandang alas-tres ng madaling-araw.

Ayon pa rin sa ulat, stable naman daw ang vital signs ng legendary rock singer base na rin sa hospital staff.

Pero kailangan pa raw masuri ng neurologist at iba pang doktor ang King of Pinoy Rock n’ Roll upang ma-assess ang kundisyon nito.

Ito na ang ikatlong stroke ni Pepe, na unang intakae noong 2016.

Sa Facebook, nanawagan naman ang isang nagngangalang Dudee Alfonso ng dasal para sa rock icon.

Sa latest update ngayong araw rin, sinabi ni Dudee na hinihintay nila ang medical report mula sa neurologist ni Pepe.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Pepe Smith
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kasalukuyang inoobserbahan sa isang ospital ang rock icon na si Pepe Smith matapos itong makaranas ng third stroke, kagabi, November 14.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results