How much is Teresita Ssen Marquez's Reina Hispanoamericana crown?

IMAGE Teresita Ssen Marquez Instagram

Aside from the title Reina Hispanoamericana and a crown, Teresita Ssen Marquez also won cash prize, appliances, gowns, and other prizes.


Nagkakahalaga ng higit USD12,000 o PHP613,500 ang korona ng Miss Reina Hispanoamericana, na isinuot ni Teresita Ssen Marquez nang manalo siya sa Bolivia noong November 4.

Pero ang bitbit ni Teresita Ssen—dating nakilala bilang Winwyn—sa pag-uwi niya rito sa Pilipinas ay replica lang ng tunay ng korona, pero malaki pa rin ang halaga nito.

Sabi ng Pinay beauty queen sa isang TV interview, “This crown is actually a replica.

"But it’s real, it’s worth 7,000 dollars [PHP357,875].

“The real one has to stay in Bolivia.

“It’s a little bigger and it costs $12,000.”

Ang replica crown ni Teresita Ssen ay gawa sa tunay na rubies, diamonds, at silver.

Kaya kabilin-bilinan ng pageant organizers na alagaan at protektahan niya ang dalang korona.

“Sabi sa akin doon, ‘Please take care of the crown. Take care of it more than your life.’

“Sabi ko, yes, kaya hawak-hawak ko siya kahit saan ako pumunta.

“The real crown has to be in Bolivia.

“But if the organization comes here, they’re going to bring the real crown.”

WARNING : NOBELA PO ITO. Pagbigyan ???? Some people say its an unknown pageant, a small pageant, an insignificant pageant but if you really do find time to know about it you’ll be surprised what Reina Hispanoamericana is. The first few days was really tough kung alam niyo lang and naiyak talaga ako pero i pushed myself and nabuhayan ako ng loob dahil sa mga pinoy. ?? Gusto ko lang po mag thank you sa mga tao na tumulong saakin sorry if medyo nobela. ???? thank you sa wynaddicts na sobrang pinapasaya ako sa group chat and sa pag update sa lahat. Mga pages who also helped me spread the word for the votes, all fans of my friends - aldub and iba pa salamat!..:) my tikis, puks, southville, mga prof ko, tita gelene and sa lahat ng kaibigan ko na simula palang naniwala at walang sawa mag remind na kaya ko at pagalitan pa ako pag nasisisra loob ko. Pong, Renz and JP you 3 made sure i will look like a queen everyday kahit madami nag dodoubt saakin kayong 3 hindi ako iniwan and you made sure that i have everything i need to look like a queen thank you so much. MWP family, my sisters, bessie,pj and sir arnold salamat sa lahat ng help sa lahat ng stress natin nalagpasan natin hehe and sa ACES and QUEENS family ko mga mama ko my gosh kayo reason kung bakit mas naging confident ako mag perform, YOU GUYS pushed me and you never gave up on me and thank you soo much kahit minsan nag oover think ako naiintindihan niyo ako hehe (mama j ikaw reason bakit ganito lakad ko mana ako sayo haha - mama ru, momi, tito nad, kuya pau, albert ..sa lahat ng aces and queens i love you) . To mama, daddy, tita via, pangga ko and to my whole family kayo ang rock ko thank you for being beside me sa lahat lahat even if may point na ayaw niyo na ako sumali kasi nakita niyo kung gaano ako nalungkot pero dahil nakita niyo na gusto ko talaga you guys held my hand all the way to my dream ?? (continuation on my next post)

A post shared by Teresita Ssen Winwyn Marquez (@wynmarquez) on

Bukod sa korona, nakatanggap din ng cash prize si Teresita Ssen bilang Reina Hispanoamericana 2017, pero confidential daw kung magkano ito.

Nanalo rin ng ilang appliances, gowns, at iba pang prizes ang Pinay beauty queen bilang Miss Reina Hispanoamericana.

“I had to leave them in Bolivia kasi hindi kayang dalhin dito,” sabi ni Teresita Ssen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN