It's Showtime pays tribute to Hashtags member Franco Hernandez

IMAGE Courtesy: @hashtag_franco on Instagram

Ipinagluluksa ng buong pamilya ng It's Showtime ang pagpanaw ng Hashtags member na si Franco Hernandez. Sa epsiode ng show ngayong araw, November 15, nag-alay sila ng dasal para kay Franco.


Bumuhos ng luha at binalot ng kalungkutan ang buong studio ng It’s Showtime ng ABS-CBN ngayong Miyerkules ng tanghali, November 15.

Inalala kasi ng hosts at Hashtags members ang pumanaw na kasamahan nilang si Franco Hernandez.

Ngayon lang nila nagawang mag-alay ng pag-alala kay Franco dahil naka-tape ang epsiodes ng show nitong nakaraang Lunes at Martes, November 13 at 14, dahil sa kasalang Anne Curtis at Erwan Heussaff sa New Zealand.

Ikinasal sina Anne at Erwan noong Linggo, November 12.

Pumanaw si Hashtag Franco matapos itong malunod sa Davao Occidental noong Sabado, November 11.


Stories We Are Tracking

Hashtags member Franco dies in drowning incident
Hashtags member Franco dies in drowning incident
Kapamilya stars mourn death of Hashtags member Franco
Kapamilya stars mourn death of Hashtags member Franco
Franco's girlfriend posts
Franco's girlfriend posts "last video" of Hashtags member
Vice Ganda lashes out at basher wishing Jon Lucas dead
Vice Ganda lashes out at basher wishing Jon Lucas dead

FAVORITE SON. Halos hindi makapagsalita nang diretso ni Vice Ganda habang nagbibigay ng mensahe tungkol kay Franco.

Sabi niya, sa pagitan ng pag-iyak, "Umuwi na po siya sa tunay niyang tahanan."

Ayon kay Vice, labis siyang naapektuhan sa biglaang pagpanaw ni Franco.

Mami-miss daw niya ang "coño" niyang anak-anakan sa show.

Naluluha niyang pahayag, “Wala na yung anak kong coño. Wala na po yung anak kong mayaman..."

Isa raw si Franco sa limang miyembro ng Hashtags na nakatambay sa dressing room niya araw-araw.

Ayon pa kay Vice, "Isa siya sa pinakapaborito kong anak kasi sobrang sweet.

"Nakikita niyo sa muka ni Franco, hindi nawawala ang ngiti niya....

"Kakatok siya sa kuwarto 'no, 'Mom, what's for lunch?'”

Kuwento pa ni Vice, hindi na siya dumalo sa reception ng kasal nina Anne at Erwan dahil sa kalungkutan, kaya humingi siya ng paumanhin sa kaibigang aktres.

HASHTAGS. Sinariwa rin ng ilang kasamahan ni Franco sa Hashtags ang mga alaala nila sa 26-year-old dancer, na kakapasok lamang sa grupo noong February 2017.

Ayon sa iba, isang masayahing tao si Franco, laging nakangiti, laging yumayakap sa kanyang mga kasamahan na walang malisya.

"No mean bone" daw ang binata.

Nagsisilbi rin daw itong inspirasyon sa mga kasamahan kapag sila ay malungkot at tinatamad na mag-rehearse para sa kanilang production number.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May usapan din daw silang magnegosyo.

Ayon naman kay Bugoy Cariño, sobra niyang mami-miss ang kanyang kuya.

Lagi raw silang nasa harapan kapag may sayaw dahil pareho silang maliit.

Marami raw pangarap sa buhay ang kanyang itinuturing na totoong kapatid.

MISSION ACCOMPLISHED. Ayon naman kay Vhong Navarro, noong una ay hindi pa siya makapaniwala sa balitang wala na si Franco.

Aniya, “Nag-message pa ako sa group chat ng mga hosts, inalam ko kung totoo yung nangyari.

“Kasi ang hirap na nga ng pinagdaanan namin sa New Zealand, kasi meron kaming kapatid na alam nating magiging masaya na forever dahil makakasama na niya ang magiging mahal niya habang buhay.

"May isang nag-comment doon na, 'Totoo ba?'

“So, nagtanong ako sa kanila.

"Actually, dapat kay Vice ko lang muna itatanong, kaya lang group chat pala yung na-message ko kasi nataranta ako.

“Tapos nagtanong si Vice, 'Bakit anong nangyari?'

“Tapos, nagtanong ako kay Direk Jilmer [Dy] kung totoo nga yung nangyari.

"Nung sinabi niyang 'oo,' parang ang hirap paniwalaan, e."

Patuloy ni Vhong, "Tapos, nag-usap kami dun sa group chat, ang iniisip namin, hangga't maaari, kailangan nating maging matatag para sa kapatid nating si Anne.

“Hangga't maaari, ayaw naming mabalitaan ni Anne, kasi kinabukasan na yung wedding niya, yung big day niya.

"Kaya lang, di mo masasabi, e, ang dami na nangyayari.

"So, tinray ni Vice na tanggalin sa group chat si Anne. Kaya lang, too late, nabasa na niya.

"Tapos, ang hirap na nag-try naming magiging masaya, nagpu-post kami ng mga pictures na masaya, pero sa loob namin, ang hirap.

"Paano ka babalanse, paano ka gigitna sa magiging masaya, sa magiging malungkot?”

Dagdag pa ni Vhong, naalala niya ang iba pang aktor na maagang pumanaw noong mga nagdaang taon, gaya nina Rico Yan at AJ Perez. 

Iniisip na lamang daw niyang tapos na ang misyon nila rito kaya kinuha na sila ng Panginoon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Vhong, “Pero Franco, isang pagsaludo sa kabaitan mo, isang saludo sa talento mo... at marunong kang rumespeto sa mga nauna sa 'yo.”

Pinangunahan naman ni Amy Perez ang isang dasal para kay Franco.

Kasalukuyang nakalagak ang mga labi ni Franco sa Arlington Memorial Chapels sa Araneta Avenue, Quezon City.

Sa Biyernes, November 17, nakatakdang i-cremate ang mga labi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN