Jona Viray wishes for love life on her birthday

IMAGE Noel Orsal

Jona Viray on why she is single at 28: "Feeling ko kasi, kapag may love on the side, parang madi-distract po siguro ako. Mahahati po ang atensiyon ko. So, right now na maraming opportunities na dumarating, focus muna ako dito sa trabaho ko."


Good health at special someone ang hiling ni Jona Viray para sa kanyang ika-28 kaarawan ngayong araw, November 15.

“Wini-wish ko lang na pagdating ng concert, sana makapag-perform po ako at my best, mai-deliver ko nang maayos yung pieces na inihanda namin, at maging successful ito at maraming makapanood.

“Sabi ko nga po, bihira lang po ang ganitong pagkakataon na makasama ko ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra,” pahayag ni Jona sa press conference para sa Prima Jona concert niya, na gaganapin ngayong Sabado, November 18, sa The Theatre at Solaire Resort and Casino, sa Parañaque City.

Bukod sa pansariling kalusugan, hiling din niya, “Of course, good health para sa mga taong nakapaligid sa akin.”

Ilang linggo pa lang ang nakararaan nang pumanaw ang ama ni Jona na si Fernado Viray dahil sa sa stroke secondary to rhino mucormycosis.

Sabi ng Kapamilya singer, “Good health po for my family.

"Kasi po, ang mahal po magkasakit talaga. Hindi biro.

"Mahal po ang mga bayarin sa hospital."

Pagdating sa kanyang career, umaasa ang Kapamilya singer na magtuluy-tuloy pa ang pagdating ng mga trabaho sa kanya.

“Continuous na success lang po, at sana lalo pa po akong maka-inspire at maka-reach out ng mga tao through my music.

“Through my voice, sana magamit akong instrumento pa nang mas matagal ni Lord para maka-inspire ng mga tao.”

LOVE LIFE. Kasama rin sa mga hiling ni Jona ang magkaroon ng special someone.

“Sana, in time, magkaroon po ng someone to hold on to,” nahihiyang sabi ng 28-year-old singer.

Sa kanyang edad ngayon, seryoso at pangmatagalang relasyon na raw ang hangad ni Jona.

Aniya, “Habang nagma-mature po ako, parang mas naba-value ko po talaga ang isang ideal relationship.

“Ako po, ayaw kong mag-settle lang sa less.

“Kumbaga, kung ang ibig sabihin nito ay kailangan pang mag-wait, okay lang po sa akin, kasi ayaw ko pong mag-settle lang talaga sa second best.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Naniniwala po ako doon sa kasabihan na kapag naghintay po tayo, mas worth it po talaga yung hinihintay natin at mas maba-value natin ang bagay na yun.”

Dagdag pa ni Jona, “Parang somehow, naiba po yung perspective ko pagdating sa love.

“Ayaw ko po nang basta-basta lang nag-i-invest ng emosyon sa isang tao na hindi mo pa lubusang nakikilala.

“So, bago ko talaga ibigay yung full trust and hundred percent ko sa isang tao, siyempre po, gusto ko rin muna makita o maramdaman, yung ma-prove sa akin na talagang totoong mahal ako or mayroon siyang unconditional love para sa akin, kaya po ganito po ako.”

Ano ang ideal man para sa kanya?

Sagot ng singer, “Siyempre, number one po, dapat God-fearing.”

Kung mabibigyan ng pagkakataon, gusto raw niya ng relasyong katulad ng sa iniidolo niyang si Regine Velasquez at asawa nitong si Ogie Alcasid.

Sabi ni Jona, “Yun nga din sabi ko, siguro mas maganda kung parehas po kaming inclined sa music para po talagang nakaka-relate kami sa isa't isa.

“At saka kapag may biglang may idea o may biglang lumabas na idea, puwede po namin kaagad ma-work on sa isang proyekto.

“Parang napakasarap po ng pakiramdam ng ganun.

“Kaya nga minsan, naiisip ko lang po, ang sarap naman ng relasyon nila Miss Reg and Tito Ogie.

"Siyempre, parehas po silang musicians, parehas sila ng mga interes sa buhay, kaya nagkakasundo rin sila.

“Bilang first love po nila ang pagkanta, ang music, madali nilang naie-express sa isa't isa kapag mayroon silang ideas.”

Gayunman, nilinaw ni Jona na hindi siya nagmamadali at nais muna niyang ituon ang pansin sa trabaho.

“Basta ano, in time po, hindi naman po ako nagmamadali.

“At saka sayang po yung mga opportunities na dumarating po.

“Feeling ko kasi, kapag may love on the side, parang madi-distract po siguro ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mahahati po ang atensiyon ko.

"So, right now na maraming opportunities na dumarating, focus muna ako dito sa trabaho ko," nakangiting pagtatapos ni Jona.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN