That's My Bae winner Kenneth Medrano admits suicidal thoughts after his nude photos went viral

IMAGE Noel Orsal

That's My Bae winner on his nude photos that went viral: "Naging trauma po yun sa akin. Umabot na ako sa point na gusto ko nang magpakamatay kasi ako lang mag-isa dito sa Manila... Inisip ko na tatalon po ako sa condo. Inisip ko, pero pagpikit ng mga mata ko, ang nakita ko, ang mommy ko, umiiyak, kaya nagpunta na lang ako sa Starbucks."


Inamin ng That’s My Bae grand winner na si Kenneth Medrano na sumagi sa isip niyang magpakamatay nang kumalat sa internet ang kanyang nude pictures matapos niyang manalo sa contest ng Eat Bulaga noong 2016.

Inamin din ni Kenneth, 26, na siya nga ang lalaking nakahubad sa mga larawang iyon.

Ang tumalon mula sa condominium building na dating tinitirhan niya ang naisip na paraan ng newbie actor ng pagkitil sa sariling buhay.

Pahayag niya sa PEP.h (Philippine Entertainment Portal), “Aaminin ko po, ako po talaga yun.

“Dati pa po yun, hindi pa ako artista. Nasa Cebu pa ako noon.

“Siguro po kumalat yun dahil nandito na ako, artista na ako. May gustong sumira.

“Sa cellphone ko po yun, parang nawala o ibinenta ko.

“Hindi pa ako makabili ng iPhone noon.

"Android pa po yung cellphone ko, may memory card pa."

Patuloy ni Kenneth, “Naging trauma po yun sa akin.

“Umabot na ako sa point na gusto ko nang magpakamatay kasi ako lang mag-isa dito sa Manila.

“Tinawagan ko po yung mommy ko, umiiyak ako, tapos umiiyak din siya.

“Sabi niya, ‘Anak, huwag mong gawin ‘yan. Nandito lang ako, nandito ang daddy mo. Kung gusto mong puntahan ka namin, pupunta kami.’

“Inisip ko na tatalon po ako sa condo.

“Inisip ko, pero pagpikit ng mga mata ko, ang nakita ko, ang mommy ko, umiiyak, kaya nagpunta na lang ako sa Starbucks.”

Para malampasan niya ang isa sa matinding pagsubok na dumating sa kanyang buhay, huminto si Kenneth sa paggamit ng social media.

“Nag-stop po ako sa social media para mapatay yung isyu. Namatay naman po.

“Salamat, hindi ako nasuspinde sa Eat Bulaga! kasi inamin ko po,” sabi niya.

Dalawang mahalagang aral daw ang natutunan ni Kenneth: ang huwag magtiwala sa mga tao na hindi masyadong kilala at huwag kunan ang sarili ng litrato nang nakahubad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Introducing si Kenneth sa Trip Ubusan, The Lolas vs. Zombies ng APT Entertainment. Inc.

Nagpapasalamat si Kenneth dahil kasama siya sa cast ng pelikula nina Wally Bayola, Jose Manalo, at Paolo Ballesteros na nagkaroon ng grand presscon sa isang events place sa Quezon City, kagabi, November 15.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN