Isabel Granada's husband reveals he is a cancer survivor

IMAGE Instagram (@arnel1973)

Isabel Granada's husband, Arnel Cowley, recalls the time when he had to undergo chemotherapy because of cancer and how Isabel helped him to survive. "[H]ow I really do wish that it should have been me," he said.


Inamin ni Arnel Cowley, asawa ng namayapang aktres na si Isabel Granada, na na-diagnose siya ng cancer at sumailalim sa chemotherapy noon.

Bagamat hindi niya tinukoy kung anong uri ng cancer ang na-diagnose sa kanya, nalampasan niya raw ito dahil kay Isabel at sa pagmamahal ng aktres.

Ibinahagi ito ng businessman sa kanyang Instagram post nitong Miyerkules, November 15.

Kalakip nito ang larawan kung saan kalbo pa siya at kasama niya ang yumaong asawa.

Ayon pa kay Arnel, sana raw ay siya na lang ang namatay at hindi si Isabel.

Narito ang buong caption niya: “You were there for me when I was suffering from cancer.

"You still loved me even though I lost my hair during chemo therapy.

"Because of you and your love I managed to survive.

"It’s painful for me that you are now gone and how I really do wish that it should have been me.

"I LOVE YOU BABY."

Ngayong Huwebes, November 16, muling nag-post ng mensahe si Arnel.

Sinusubukan daw niyang maging matapang sa kabila ng pagpanaw ni Isabel.

Na-cremate ang mga labi ni Isabel noong Linggo, November 12, sa Arlington Memorial Chapels, sa Quezon City.

Pumanaw ang aktres noong November 4,halos dalawang linggo matapos niyang ma-comatose dahil sa brain aneurysm.


Stories We Are Tracking

Isabel Granada in coma after collapsing in Doha, Qatar
Isabel Granada in coma after collapsing in Doha, Qatar
Arnel Cowley on wife Isabel Granada:
Arnel Cowley on wife Isabel Granada: "She just collapsed without any warning."
Isabel Granada dies at 41
Isabel Granada dies at 41
Body of actress-singer Isabel Granada cremated
Body of actress-singer Isabel Granada cremated


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN