Joey de Leon draws flak over "nalunod" caption of his throwback photo

IMAGE Courtesy: @angpoetnyo on Instagram

Hindi nakaligtas sa netizens ang post ni Joey de Leon kung saan inilagay niya sa caption ang salitang "nalunod." Nataon kasing ipinost ito ng Eat Bulaga! host sa araw na binigyan ng tribute ng It's Showtime hosts ang yumao nilang kasamahan na si Franco Hernandez. Namatay ang Hashtags member noong Sabado, November 11, dahil sa pagkalunod.


Sangkot na naman sa kontrobersiya ang veteran TV host-comedian na si Joey de Leon.

Ito ay bunsod ng throwback photo ni Joey sa kanyang Instagram at Twitter accounts nitong Martes, November 15.

Sa naturang larawan ay makikita ang Eat Bulaga! host habang nakalutang sa Dead Sea.

Caption ni Joey sa larawang ito: “Nuknukan ka na ng katangahan pag sa DEAD SEA nalunod ka pa!”

Ang Dead Sea ay salt lake na matatagpuan sa border ng mga bansang Israel at Jordan.



Ilang netizens ang pumuna at bumatikos sa post na ito ng 71-year-old TV host-comedian.

Tila hindi raw tama ang timing ng pagpu-post ng throwback photo ni Joey.

Nagkataon kasing kahapon din ay nagbigay ng tribute ang katapat na programa ng Eat Bulaga!, ang It's Showtime ng ABS-CBN, para sa namayapang Hashtags member na si Franco Hernandez.

Namatay si Franco matapos malunod sa isang resort sa Davao Occidental noong Sabado, November 11.


Stories We Are Tracking

Hashtags member Franco dies in drowning incident
Hashtags member Franco dies in drowning incident
Kapamilya stars mourn death of Hashtags member Franco
Kapamilya stars mourn death of Hashtags member Franco
Franco's girlfriend posts
Franco's girlfriend posts "last video" of Hashtags member
<em>It's Showtime</em> pays tribute to Hashtags member Franco
It's Showtime pays tribute to Hashtags member Franco

Ayon sa ilang netizens na nakabasa ng post ni Joey, naging insensitive diumano ang TV host dahil sa paggamit ng salitang “nalunod” sa caption ng kanyang post.

Sana raw ay hindi itinaon ni Joey sa araw na iyon ang pag-post ng kanyang throwback photo.

IT'S SHOWTIME HOSTS REACT. Maging ang ilang taga-It's Showtime ay nag-react dito.

Wala man direktang pangalang binanggit, tila may sagot si Teddy Corpuz tungkol sa post ni Joey.

Sabi ni Teddy sa kanyang tweet kahapon: “Sana binigay mo na lng muna sa amin ang maipagluksa ang kaibigan at kapatid namin, kahit isang araw lang. Kahit ngayon lang.

"Nakakalungkot ka po. Ipapag pray po kita na gabayan ka ng puong Maykapal."


Sumang-ayon naman ang ilan niyang followers na nagkomento rito:

 

Sinegundahan din ng kasamahan ni Franco sa Hashtags na si Paulo Angeles ang post ni Teddy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi ni Paulo sa kantang tweet ngayong Huwebes, November 16, na wala sa lugar ang joke ng hindi niya pinangalanang tao.

Buwelta ni Hashtag Paulo: “Tanda mo na bastos ka pa. Wala akong pake kahit sikat ka. Mga joke mo wala sa lugar. Sobrang bastos mo.”


Marami rin ang nag-react sa post na ito ni Paulo:

 

Ayon pa sa ilan, tila hindi na raw natuto si Joey sa kanyang komento tungkol sa depresyon noong Oktubre, kung saan sinabi niyang gawa-gawa lamang ng tao ang depresyon.

Kalaunan, humingi siya ng dispensa tungkol dito.


Stories We Are Tracking

Joey de Leon admits fault in depression controversy
Joey de Leon admits fault in depression controversy
Joey de Leon EB over depression issue? ">
Joey de Leon "suspends self" from EB over depression issue?
Lea Salonga lauds Joey de Leon's humility
Lea Salonga lauds Joey de Leon's humility
Joey de Leon apologizes for remark about depression
Joey de Leon apologizes for remark about depression

Sa kabilang banda, may ilang netizens din ang nagkomentong wala naman daw pinatatamaan si Joey sa kanyang post:






JOEY DELETES CAPTION. Ngayong Huwebes ng hapon, November 16, binura na ni Joey ang caption niya sa kanyang throwback photo.


Binura rin niya ang na-link niyang post sa Twitter.

Ilang minuto ang nakalipas, nilagyan ulit ng caption ni Joey ang kanyang post.

Nakasaad dito: “TBT Dead Sea, 2014.”

Hindi na rin maaaring magkomento sa kanyang post na ito.


Ngunit hindi pa nagbibigay ng pahayag ang beteranong TV host tungkol sa pangba-bash sa kanya ng netizens.

Mananatiling bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa maaaring ihayag ni Joey tungkol sa isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN