King of Pinoy Rock Pepe Smith now out of danger

IMAGE Courtesy: Ed Paman on Facebook

Nasa ligtas na kalagayan na ang rock legend na si Pepe Smith matapos itong ma-stroke sa ikatlong pagkakataon. 


Nasa ligtas nang kundisyon ngayon ang Pinoy Rock legend na si Joey "Pepe" Smith.

Ayon sa Facebook post ng kaibigan ng singer na si Ed Paman ngayong Huwebes, November 16, “alive and well” na raw ang kalagayan ng rock icon.

Sabi ni Ed, "The king of Pinoy Rock is alive & well! Long live Rakenrol!"

Ayon naman kay Pepe—na mas kilala sa tawag na Piyaps ng kanyang mga malalapit na kaibigan—"Tuloy ang Rakenrol!"

Isinugod sa emergency room ng Metro Antipolo Hospital and Medical Center (MAHMC) si Pepe noong Martes ng gabi, November 14, dahil sa reklamo nitong hindi normal na paggalaw ng kanyang dila.

Inilipat siya sa Acute Stroke Unit ng MAHMC bandang alas-tres ng madaling-araw, November 15, matapos maging stable ang kanyang vital signs.

Ito na ang pangatlong stroke na narasanan ni Pepe.


Stories We Are Tracking

Rock legend Pepe Smith suffers third stroke
Rock legend Pepe Smith suffers third stroke

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN