That's My Bae Miggy Tolentino downplays basketball brawl: "Away-magkakaibigan."

IMAGE Noel Orsal

Masaya raw ang That's My Bae member na si Miggy Tolentino na napasama siya sa pelikulang Trip Ubusan: The Lolas vs. Zombies dahil maraming nagbukas na trabaho para sa kanya. 


All’s well that ends well.

Ito ang paglalarawan ng That's My Bae member na si Miggy Tolentino nang tanungin kung ano na ang balita sa kinasangkutan nitong gulo noong nakaraang Hulyo.

Nasangkot sa away si Miggy habang nakikipaglaro ng basketball sa Maypajo, Caloocan City.

Nakaalitan ni Miggy ang referee ng laro dahil hindi umano tinawagan ng foul ang kanilang kalaban na naniko sa kanila.


Stories We Are Tracking

That My Bae Miggy Tolentino involved in basketball brawl
That My Bae Miggy Tolentino involved in basketball brawl
Miggy Tolentino says sorry following basketball brawl
Miggy Tolentino says sorry following basketball brawl

Kuwento ng Eat Bulaga! mainstay, “A, siguro po nakainitan lang. Ano lang po yun, friendly game lang.

“Parang hindi nagkaanuhan, kasi nasasaktan na po, sinasaktan na po ng kalaban.

"Sinisiko ng kalaban, hindi tinatawagan ng referee, kaya nagkainitan lang po siguro."

Nagkaroon ba sila ng reklamo o kaso hinggil dito?

Tugon ni Miggy, “Wala po, wala po.

"Ano lang po yun, away-magkakaibigan.

"Mga tropa-tropa ko din naman yung mga yun.

"Ngayon, sobrang okay na po. Sobrang okay na.

"Nakakalaro ko na rin sila ng basketball, okay na po."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Miggy sa grand presscon ng kinabibilangan nitong pelikula, Trip Ubusan: The Lolas vs. Zombies, na ginanap nitong Miyerkules ng gabi, November 15.

Pinagbibidahan ang pelikula nina Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros.

Nakatakda itong ipalabas simula sa November 22. 


(The cast of Trip Ubusan: The Lolas VS. Zombies)

Ayon kay Miggy, nagkaroon siya ng maraming guest appearances dahil sa Trip Ubusan: The Lolas VS. Zombies.

Katulad na lamang ng paggi-guest niya sa Pepito Manaloto sa darating na November 25, sa Sunday Pinasaya, at ilang provincial shows.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN