Matteo Guidicelli answers netizen who accused him of using Sarah Geronimo in his projects

IMAGE Noel Orsal

Matteo Guidicelli explains to a netizen that he does not want to drag girlfriend Sarah Geronimo's name in his interviews.


Sinagot ni Matteo Guidicelli ang isang netizen na sinabihan siyang huwag gamitin ang pangalan ni Sarah Geronimo sa promotion ng music album at concert niya.

Sina Matteo at Sarah ay tatlong taon nang magkarelasyon.

Tweet ng netizen sa 27-anyos na Filipino-Italian singer-actor: “@mateoguidicelli promote ur album/concert w/out making banggit about ur girlfriend, it's ur album/concert anyway...u can do better”

Sagot dito ni Matteo: “Dude, I try. And id love if that happened. But what will I do when people ask? Tell them to shut up? I don’t think that’s right..”

Sa dalawa pang sumunod na tweets ng singer-actor, nakiusap siya sa netizens na mag-focus sila sa kanyang music at huwag nang idamay ang pangalan ng girlfriend.

Hindi ito ang unang pagkakataong inakusahan ang Kapamilya actor na ginagamit ang pangalan ng Popstar Princess para sa promosyon ng kanyang proyekto.

Sa press conference ng upcoming concert niyang Hey Matteo na gaganapin sa November 30, sinabi ni Matteo sa interview na wala nang bago sa akusasyong ginagamit niya ang pangalan ng girlfriend para lumikha ng ingay.

Pero paninindigan niya, ang mahalaga sa kanya ay alam nilang dalawa ni Sarah kung ano ang totoo.

“Everybody will doubt and will hate.

“But the point is, Sarah and I, we know the truth of things.

“It's Sarah and I in a relationship, not me and another person.”


Stories We Are Tracking

Matteo on being called a user:
Matteo on being called a user: "What's new?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN