Jackie Rice admits to dating a non-showbiz guy

IMAGE Noel Orsal

Jackie Rice says she's not yet ready to enter into a serious relationship. "Kasi galing nga ako sa eight years. Ngayon pa lang ako naging single, may dini-date pa lang."


"Complicated" kung ilarawan ng Kapuso actress na si Jackie Rice ang estado ng love life niya ngayon.

Pahayag niya, “Masaya na ako ngayon… uhm, paano ba?

"Hindi ko masabi, ano, e... complicated pa, e.

"Dating na complicated.

"Parang ayoko pang pumasok sa relationship kasi galing nga ako sa eight years. Parang ganun. 

"Ngayon pa lang ako naging single, may idini-date pa lang.”

Itinanggi niyang isang hunk sa Cebu ang idini-date niya sa kasalukuyan. 

“Hindi, e. Actually, non-showbiz din siya.

"Nakilala ko siya through friends,” banggit ni Jackie.

Paano niya ilalarawan ang kanyang manliligaw?

Ayon sa StarStruck alumna, “Mahilig siyang mag-gym.

"Matangkad sa akin, maputi, at guwapo naman. Matangos ang ilong.”

Pagkatapos nito ay umiwas na siyang magbigay ng iba pang detalye tungkol sa lalaking idini-date.

“Basta, happy ako,” sambit niya.

Pero hindi naman daw isinasara ni Jackie ang puso niya sa posibilidad na makatuluyan ang sinasabing suitor na nagpapasaya sa kanya ngayon.

“Sana, sana, if ever.

“Pero hindi pa, hindi pa ako ready talaga, alam naman niya.”

Ang natatanging qualities ng manliligaw ang rason kung bakit masaya raw siya sa piling nito.

"Komedyante rin kasi, e. Parang ako!" natatawang sabi ng 27-year-old actress. 

Kung ganito siya kasaya, ibig bang sabihin ay formality na lang ang kailangan para maging sila?

“Hindi rin. Hindi rin naman siya nagmamadali,” sagot ni Jackie.

Gusto raw ni Jackie na maging magkaibigan muna sila ng lalaki bago maging sila, kapag handa na siyang pumasok ulit sa relasyon.

“Ganun. Yun ang gusto ko actually, maging friends kami... kung magiging kami.

"Hindi talaga ako nagmamadali. Parang ayokong ano, e...”

Walang natatandaan si Jackie na nakasama na niya ang manliligaw sa mga out-of-town getaway.

“I can’t remember, e,” iiling-iling niyang sabi.

“Madalas kaming lumalabas pag may time ako.

"Kaso walang time, walang time sa love life, tapos may Bubble Gang pa ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit noon ay may time siya sa love life kahit marami siyang ginagawa?

Natawang sabi ni Jackie, "Ewan ko! Parang ayokong ma-stay na naman sa matagal na relationship, tapos hindi naman mag-work."

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jackie bago magsimula ang presscon proper para sa 22nd anniversary ng Bubble Gang noong Lunes, November 13, sa 17th floor ng GMA Network Center, sa Timog Avenue, Quezon City.

BUBBLE GANG AT 22. Hindi na mabilang ni Jackie kung ilang taon na siyang cast member ng Bubble Gang sa GMA-7.

"Hindi ko na alam, kasabay ko pa dati sina LJ Reyes, Ellen Adarna, Sam Pinto, Gwen Zamora. Ako na lang ang nandito.

"Siyempre, nami-miss ko silang lahat. Nami-miss yung mga naabutan ko sa Bubble Gang. 

"Si Francine [Prieto] naabutan ko rin at saka si Ate Maureen [Larrazabal].

"Siyempre, hindi ko maiiwasang hindi sila ma-miss, matagal-tagal ko rin silang nakasama.”

Pumalo na sa 22 years sa ere ang Bubble Gang.

Bilang anniversary celebration nila sa taong ito, isang musical show ang mapapanood sa programa ngayong gabi, November 17, at sa susunod na Biyernes, November 24.

Ang Bubble Gang ang itinuturing na longest-running gag show sa Philippine television.

Ayon kay Jackie, ang magandang samahan nilang cast members ang rason kung bakit inabot ng higit sa dalawang dekada ang kanilang show.

Ibinalita rin ni Jackie ang magandang pagpasok ng 2018 sa kanya, lalo’t may bago siyang teleserye.

“By January 22, ang sabi sa akin, sana tuloy na. Hindi Kita Kayang Iwanan [ang title].

"Makakasama ko dito sina Yasmien Kurdi, Mike Tan, Ina Feleo, Martin del Rosario, Ms. Gina Alajar.”

Kontrabida uli ang magiging character ni Jackie sa bago niyang teleserye.

Okey lang daw kung ma-typecast siya sa kontrabida roles.

Sabi ni Jackie, “Hindi naman ako naghahangad na [maging bida].

"Gusto ko, kung gaano katagal yung Bubble Gang, ganun din ako katagal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala na akong maihihiling sa ano, [gusto ko] tumagal lang sa GMA."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN