Shaira Mae refuses to answer questions about Edgar Allan Guzman

IMAGE Noel Orsal

Umiwas si Shaira Mae na pag-usapan ang relasyon nila ni Edgar Allan Guzman. Kanya-kanya naman daw sila ng shows kaya huwag na lamang daw ungkatin ang tungkol sa kanila. 


Masuwerte raw si Shaira Mae sa itinatakbo ng kanyang career ngayon, kahit nagsara na ang entertainment department ng dati niyang home network na TV5.

Nabigyan siya ng pagkakataon ng APT Entertainment na lumbas sa early drama series noon na Trops, na napanood sa GMA Network.

Saad ng 22-year-old actress, “Well, supposedly guesting lang siya, mga ilang tapings.

"Pero ayun, pinalad ako na ginawa akong regular sa mga cast.

“Siguro hindi lang ako… wala lang mga presscon na na-attend-an.

"Pero ayun, lumabas ako sa Trops, sunud-sunod na.

"Nakakapag-Eat Bulaga! na ako, nakapag-SPS [Sunday Pinasaya] na ako."

EDGAR ALLAN. Ngayong nasa bakuran na rin siya ng GMA-7, madalas na ba niyang nakakasama at nakikita ang boyfriend na si Edgar Allan Guzman?

Ngunit halatang iwas sumagot si Shaira Mae tungkol dito.

Sabi ng dalaga, “Ayoko nang pag-usapan yun. Magkaiba naman kami ng shows, so...

"Dun ako sa kung san [show] ako kinukuha.

“Hindi, ayoko nang pag-usapan yung mga ganyang bagay. Ayoko na.”

Napapanood si Edgar Allan sa Kapuso primetime series na My Korean Jagiya.

Tatlong taon na ang relasyon nina Shaira Mae at Edgar Allan, na nagsimulang umusbong noong pareho pa silang talent ng Kapatid network.

Sila pa rin ba?

“Ayoko sumagot. Tahimik na ako. Gusto ko tahimik lang. Ayun,” pag-iwas pa rin ni Shaira Mae.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Shaira sa grand presscon ng pelikulang Trip Ubusan: The Lolas VS. Zombies, Miyerkules ng gabi, November 15.

Isa si Shaira sa cast ng pelikula na pinagbibidahan nina Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros.

Ipaialabas na ito simula sa November 22.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN