Maria Isabel Lopez claims ASEAN controversy got her more job offers

by Nerisa Almo
Nov 17, 2017
Maria Isabel Lopez on MMDA officials who are under investigation because of her ASEAN controversy: "I hope they don't lose their jobs as it's food on their table... because what happened to me was the exact opposite."

“Bashers, why did you do this to me?”

Ito ang tila pabirong hirit ni Maria Isabel Lopez sa mga taong kumutya sa kanya dahil sa ginawa niyang paglabag sa batas-trapiko noong Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.

Noong Sabado, November 12, naging viral ang post ng veteran actress kung saan sinabi niyang tinanggal niya ang divider cones na inilagay sa EDSA para sa ASEAN lane para makadaan ang kanyang sasakyan.

Sabi pa niya sa kanyang post: “MMDA thinks I am an official ASEAN delegate! If you can't beat 'em, join them.”

STORIES WE ARE TRACKING

Sa Facebook post naman ni Maria Isabel nitong Miyerkules, November 15, sarkastikong nagkomento ang dating beauty queen tungkol sa MMDA traffic enforcers na iniimbestigahan din dahil sa insidente.

Aniya, “Just heard the news that the MMDA traffic enforcers assigned in Megamall area during that fateful night will be investigated as well.

“I hope they don’t lose their jobs as it’s food on their table... because what happened to me was the exact opposite.”

Continue reading below ↓

Ayon kay Maria Isabel, dahil sa nangyari ay nagkaroon pa siya ng maraming job offers.

“Too many offers-tv guestings, new soap, 2 new movies for 2018, on top of the one I’m producing.. plus a new International film to be shot in Japan etc.. I’m booked guys till 2019.. haaay naku..

“Bashers, why did you do this to me? ?

“Peace and [heart emoticons] to one and all.. its 40 days before Christmas”

Kahapon, November 16, nagtungo si Maria Isabel sa tanggapan ng Land Transportation Office (LTO) upang ipaliwanag ang kanyang ginawa.

Continue reading below ↓

Igiinit niyang may kinausap siyang MMDA official sa pagkakataong iyon.

Hiniling din niya sa LTO na makunsidera ang “no traffic violation” status niya bilang driver.

Dagdag pa ng aktres, “Sana kung ano man yung penalty na ipapataw sa 'kin, sana bigyan ako ng konting senior citizens discount, 20 percent.”

Inaasahang maglalabas ng desisyon ang LTO kung tuluyang isususpinde ang lisensiya ni Maria Isabel, limang araw pagkatapos niyang makapagsumite ng petition paper.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Read More Stories About
Maria Isabel Lopez
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maria Isabel Lopez on MMDA officials who are under investigation because of her ASEAN controversy: "I hope they don't lose their jobs as it's food on their table... because what happened to me was the exact opposite."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results