Lovely Abella turns down Willie Revillame's offer to be a regular Wowowin co-host

IMAGE Noel Orsal

Magpo-focus daw muna sa pag-arte si Lovely Abella upang malayo sa dati niyang imahe bilang dancer game show ni Willie Revillame.


Gusto raw ng comedienne na si Lovely Abella na makilala bilang siya, at hindi lang bilang dating dancer sa game shows noon ni Willie Revillame.

Ito ang rebelasyon ni Lovely sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang usisain kung tuloy pa ba ang hosting job niya sa Wowowin ng GMA Network.

Sabi ng Sunday PinaSaya mainstay, “Naggi-guest host ako. Guest-guest lang.

“Tapos, after nun, kinausap ako ni Kuya, ‘Tara, mag-regular ka.’"

Natutuwa pa niyang biro, “Ay, hindi!”

So, literal na tinanggihan niya ang alok ni Willie?

Paglilinaw ni Lovely, “Ay, hindi naman.

"Hindi na po kasi… mas nag-e-enjoy na po ako ngayon sa pag-arte.

“Tsaka ang tagal ko na po kasing, parang pag nakikita ako, ‘Dancer ni Willie.’ Parang dun na ako na-tie up.

“Kumbaga, nagpa-cut ako ng hair... gumawa na ako ng sarili kong pangalan para at least makikilala ako as Lovely Abella na po.”

Si Lovely ay naging dancer sa dating noontime show ni Willie sa ABS-CBN, ang Wowowee.

Noong kumalas si Willie sa Kapamilya network, isinama niya ang kanyang dancers sa dating game show niya sa TV5 na Willing Willie.

Nang lumipat naman si Willie sa GMA-7, hindi pa rin niya kinalimutan ang mga dating kasamahan, katulad na lamang ni Lovely.

Pero mas naka-focus daw ngayon si Lovely sa pagiging comedienne sa mga programang Sunday PinaSaya at Bubble Gang.  

Masaya rin siyang nakasama sa pelikulang Trip Ubusan: The Lolas VS. Zombies, na ipalalabas simula sa November 22.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN