Mayor Sara Duterte hits back at Mariel de Leon: "Ano ika-insecure sa talo mo?"

IMAGE Inday Sara Duterte-Carpio on Facebook / @mariaangelicadl on Instagram

Mayor Sara Duterte (left) to Mariel de Leon (right): "Pinili ko maging lawyer hindi beauty queen at naipasa ko ang bar exam ng isang take lang. Ikaw, ilang beses ka nga ba natalo?"


May bagong pasaring si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio kay Bb. Pilipinas-International 2017 Mariel de Leon.

Ito ay matapos mag-tweet ang beauty queen ng ganitong mensahe kahapon, November 16: “If another person’s 'misfortune' pleases you, it just shows how insecure and unhappy you are with your life.

“It’s okay, maybe one day you’ll be truly happy? I’m sending you good vibes and prayers!”

Wala mang direktang pangalang binanggit si Mariel, 23, malinaw na patungkol ito kay Mayor Duterte, 39.

Nag-ugat ang pasaringan ng dalawa nang mag-post si Mayor Duterte tungkol sa kanyang “schadenfreude moment” kasama raw ang beauty queen sa isang event.

Ang schadenfreude ay German word na ang ibig sabihin ay “enjoyment obtained from the troubles of others.”

Ibinahagi rin ng alkalde sa kanyang Facebook post ang tila kasiyahang naramdaman nang matalo si Mariel sa Miss International 2017, na ginanap sa Japan noong Martes, November 14.

Sa huli ng kanyang post, sinabi pa niyang, “Ang gaba di gyud magsaba. [Ang karma hindi nag-iingay].”

Nakarating naman ito kay Mariel at nag-tweet din ito kaagad.

Sinabi ng anak nina Christopher de Leon at Sandy Andolong na kung ang kasawian ng iba ay ikaliligaya ng kapwa niya ay hahayaan at ipagdadasal na lamang niya.


Stories We Are Tracking

Mariel de Leon fails Miss International bid; Indonesia wins
Mariel de Leon fails Miss International bid; Indonesia wins
Mariel de Leon, Mayor Sara involved in social media war?
Mariel de Leon, Mayor Sara involved in social media war?

NOT INSECURE AND UNHAPPY. Sa panibagong Facebook post ni Mayor Duterte ngayong Biyernes ng gabi, November 17, sinabi niyang hindi siya "insecure" at "unhappy."

Sadya lamang daw siyang maldita katulad ni Mariel.

Buwelta ni Mayor Duterte, “Nase-schadenfreude kami, insecure at unhappy agad, di ba pwedeng tulad mo ay sadyang maldita lang talaga kami. Ano ika-insecure sa talo mo?

“Pinili ko maging lawyer hindi beauty queen at naipasa ko ang bar exam ng isang take lang.

“Ikaw ilang beses ka nga ba natalo? At take note, pareho tayo mataba, wala ka lamang jan. Juicekow."

Unang sumali si Mariel sa Binibining Pilipinas noong 2013, ngunit nabigo siyang makakuha ng korona.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Muli siyang sumali ngayong 2017 at nanalo bilang Bb. Pilipinas-International.

Patuloy pa ng anak ni Pangulong Rodrigo Duterte, “’Di kami insecure at unhappy, that’s your freudian slip about your schadenfreude moments.

“Nase-schadenfreude lang kami kasi we are born pala-away, lalo na kapag inuunahan kami.

“Nakita mo yung kadami ng camera sa SMX, lahat yun recording with your comments and you making faces. Lols.”

Hindi idinetalye ng alkalde kung anong event ang kanyang tinutukoy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN