Former PBB housemate Niña Jose weds billionaire Pangasinan mayor for the second time

IMAGE Courtesy: Direk Manny Valera

Ikinasal muli si Niña Jose sa asawa niyang si Bayambang, Pangasinan Mayor Cezar Quiambao ngayong Biyernes, November 17, sa pamamagitan ng isang church wedding. Nauna na silang ikinasal sa isang civil ceremony noong Enero ng taong kasalukuyan.


Ikinasal na simbahan ang dating Pinoy Big Brother: Teen Edition housemate na si Niña Jose sa alkalde ng Bayambang, Pangasinan na si Cezar Quiambao ngayong Biyernes, November 17.

Idinaos ang kasalan sa cathedral ng Bayambang at dinaluhan ito ng mga kamag-anak, kaibigan, at constituents ng alkalde.



Una nang ikinasal sina Niña at Mayor Cezar sa isang civil ceremony noong Enero 2017.

Halos doble ang edad ng napangasawa ni Niña, na 29-anyos lamang.

Wala naman daw problema sa alkalde ang pagitan ng kanilang edad.

Si Mayor Quiambao ay bilyonaryong negosyante na nagmamay-ari ng Stradcom Corporation, isang information technology company.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN