Jason Abalos on relationship with Vickie Rushton: "Kami pa rin."

IMAGE Noel Orsal / Instagram

Jason Abalos on what girlfriend Vickie Rushton said about his transfer to GMA Network: "Kaming dalawa yung nag-uusap dito, matagal na, e. Sabi niya, oo. Siya ang nag-push sa akin."


Nananatiling matatag ang relasyon ng bagong Kapuso artist na si Jason Abalos sa kanyang girlfriend na si Vickie Rushton.

Ito ang ibinahagi ng 32-year-old actor sa exclusive interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa GMA Artist Center Grand Fans Day, na ginanap sa Music Museum, San Juan City, nitong Biyernes, November 18.

Ayon kay Jason, "Kami pa rin ni Vickie.

"Ngayon medyo hindi na kami nagkikita, kasi meron siyang mga negosyo na nagtatrabaho siya sa Bacolod."

May ilan kasing nag-iisip na hiwalay na ang dalawa nang mabalita kamakailan na in-unfollow ni Vickie si Jason sa Instagram.

Si Vickie, 25, ay kinoronahang Mutya ng Pilipinas noong 2011.

Mas nakilala ang dalaga nang maging housemate siya sa Pinoy Big Brother: All In noong 2014.


Stories We Are Tracking

Vickie Rushton unfollowed Jason Abalos on Instagram
Vickie Rushton unfollowed Jason Abalos on Instagram

Ayon kay Jason, bagamat may kontrata pa si Vickie sa ABS-CBN, mas minabuti ng kasintahang mag-focus muna sa negosyo sa Bacolod.

"Meron pa siyang contract sa kabila [ABS-CBN], so active pa naman.

"Ngayon lang kasi, mas pinili niyang magnegosyo, so suportado naman namin siya."

Suportado rin ba siya ni Vickie sa desisyon niyang lumipat sa Kapuso network?

Tugon ni Jason, "Oo naman. Kaming dalawa yung nag-uusap dito, matagal na, e.

"Sabi niya, oo. Siya ang nag-push sa akin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN