Beauty queen Mariel de Leon denies making a face at Mayor Sara Duterte

by Gorgy Rula
Nov 18, 2017
Ayaw na raw palakihin pa ni Bb. Pilipinas-International 2017 Mariel de Leon (kanan) ang isyu sa pagitan nila ni Davao City Mayor Sara Duterte (kaliwa). Pero itinanggi niya ang paratang na nag-make face siya nang minsang magkasabay sila ng mayor sa isang event.

Nakabalik na ng Pilipinas si Bb. Pilipinas-International 2017 Mariel de Leon pagkatapos niyang lumaban sa Miss International 2017 sa Tokyo, Japan.

Kasama niyang dumating ang inang si Sandy Andolong kagabi, November 17.

Nagulat ang mag-ina nang sinalubong sila ng media para hingan ng reaksiyon ang beauty queen sa ipinost ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio laban kay Mariel.

May binanggit si Mayor Sara na isang insidente kung saan nag-make face daw si Mariel sa kanya at pinagtawanan siya nito kasama ang iba pang Binibining Pilipinas winners.

STORIES WE ARE TRACKING

Itinanggi ito ni Mariel dahil wala raw ganung pangyayari.

Ayon sa dalaga, nang nagkasabay sila sa isang event sa SMX Convention Center, kung saan si Mayor Sara ang nag-cut ng ribbon, malayo naman daw sila sa isa’t isa.

Itinanggi ni Mariel na nag-make face siya.

May iba raw silang pinag-uusapan ng kapwa niya beauty queens.

Nainitan daw sila sa lugar at may binanggit si Mariel na madaling pawisan ang kili-kili niya, kaya nagtawanan sila.

Continue reading below ↓

Pero ayaw nang palakihin pa ito ni Mariel dahil hindi na raw ito kailangang pag-usapan pa.

Kaya nang tinanong kung ano ang sagot niya sa huling post ng presidential daughter laban sa kanya, sabi ni Mariel, “There’s nothing more to say.

"Except that I wish her well, and God bless us all."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayaw na raw palakihin pa ni Bb. Pilipinas-International 2017 Mariel de Leon (kanan) ang isyu sa pagitan nila ni Davao City Mayor Sara Duterte (kaliwa). Pero itinanggi niya ang paratang na nag-make face siya nang minsang magkasabay sila ng mayor sa isang event.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results