Jan Manual all set to wed non-showbiz girlfriend next year

IMAGE Jan Manual Facebook page

Former Starstruck 4 alumnus and Bubble Gang mainstay Jan Manual is all set to wed his non-showbiz girlfriend, Jamey Keeneth Santiago, on June 2018. He proposed to her last October 17. He says, "She's the answer to my prayers. I love Jamey so much. She's worth the wait."


Handang-handa na raw magsimula ng kanyang sariling pamilya ang Starstruck 4 alumnus at Kapuso comedian na si Jan Manual.

Ito ang dahilan kung bakit hindi na siya napigilang mag-propose ng kasal sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Jamey Keeneth Santiago noong nakaraang October 17.

Two years nang may relasyon sina Jan at Jamey na unang nagkakilala sa Victorino’s Restaurant in Quezon City.

Sa naturang restaurant din naganap ang marriage proposal ni Jan.

Magkasama rin ang dalawa sa Lifegiver Church kunsaan pareho silang pastor.

“She's the answer to my prayers.

“I love Jamey so much. She’s worth the wait,” pahayag pa ng 31-year old comedian nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) via Facebook messenger noong nakaraang November 16.

Nagkuwento si Jan na noong makilala niya si Jamey, ramdam na niyang ito na ang babae para sa kanya.

Kaya after two years na hindi sila nagkakausap, doon na niya naramdaman na si Jamey na ang magiging asawa niya.

Lahad niya, “Nung second meeting namin after two years with no communication, sa church nagkita kami, naramdaman ko lang na siya na mapapangasawa ko.

“Meron akong peace o unmistakable peace.”

PRAYING FOR A SIGN. Hindi rin itinago ni Jan na humingi pa siya ng signs para makasiguro siya na si Jamey na nga ang babaeng bigay sa kanya ni Lord.

Patuloy niya, “Sobrang pinag-pray ko siya for nine months na courtship, naging friendship.

“Matagal ko na rin na prayer is ministry partner. Magaan lang nung na-meet ko siya ulit.

“Iba yung na-feel ko na peace sa kanya.

“Alam mo yung pakiramdam na sobrang tama lang talaga.

“Matutulog ka na yung pakiramdam na meron peace, unlike before na pakiramdam na parang merong kulang na parang may hinahanap ka, and parang meron kang inaantay.

“Pero kasi kay Jamey, sobrang merong peace. Sarap matulog and excited akong gumising.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WEDDING DETAILS. Kaya sa tulong ng pamilya at mga kaibigan, kasama na roon ang best friend niyang si Aljur Abrenica, nagawa ni Jan na matupad ang intimate proposal niya kay Jamey.

Naka-set na raw ang wedding nila for June 2018.

Paglinaw niya, “Dapat May 12 ang wedding namin.

“Pero na-move po kami ng June kasi ikakasal ang Ate ni Jamey sa March.”

BABY PLANS. Excited na rin na makabuo ng kanyang pamilya si Jan, pero pagkatapos pa raw ng isang taon sila magpaplano ng baby.

Aniya, “After one year po muna.

“I-enjoy muna po namin yung time together. Gusto naming mag-travel muna.”

LOOKING FORWARD TO MORE CHALLENGING ROLES. Nakilala si Jan bilang si Pacboy dahil sa husay niya sa pag-impersonate kay Pambansang Kamao Manny “Pacman” Pacquiao.

Mainstay din si Jan sa top-rating gag show na Bubble Gang.

Ang huling teleseryeng ginawa ni Jan ay ang That’s My Amboy noong 2016, kunsaan gumanap ulit siya bilang bading.

“Sa ngayon po ay wala akong ginagawang teleserye.

“Okey pa rin naman sa akin na lumabas sa teleserye, pero sana huwag naman parating gay ang role ko.

“Ilang beses ko na kasing nagawa ‘yan.

“Gusto ko naman kasi mag-try ng ibang role,” pahabol niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN