Alexander Lee overwhelmed by Pinoy fans' prayers for cancer-stricken dad

IMAGE Noel Orsal

My Korean Jagiya lead star Alexander Lee was touched by the outpouring of prayers and support for his dad Anthony Lee, who has been diagnosed with stage 3 liver cancer: "I just want to be true to myself and I want everybody to know that guys, I'm alright, I'm fine, don't worry about me. My dad is getting treatment and recovering already very well."


Nagbigay ng update ang South Korean actor at bida ng My Korean Jagiya na si Alexander Lee tungkol sa kalagayan ng kanyang ama na si Anthony Lee na na-diagnose na may stage 3 liver cancer.

Noong nakaraang November 15, nag-post ng isang emotional message si Xander sa kanyang Instagram account tungkol sa pagdiskubre nila na may liver cancer pala ang kanyang ama.

Read: Korean actor Alexander Lee's father diagnosed with liver cancer

Sa naging interview ni Alexander sa GMA news program na 24 Oras noong nakaraang November 16, ipinakiusap nitong huwag mag-alala ang kanyang fans dahil ginagawa naman daw ang lahat para sa kaligtasan ng kanyang ama.

Nakapag-adjust na raw emotionally si Alexander dahil natatanggap na raw ng kanyang ama ang maayos na treatment para sa sakit nito.

“I just want to be true to myself and I want everybody to know that guys, I'm alright, I'm fine, don't worry about me.

“My dad is getting treatment and recovering already very well,” masaya niyang balita.

THANKFUL FOR PRAYERS AND SUPPORT. Na-overwhelm si Alexander sa maraming suporta at dasal na natanggap niya mula sa kanyang mga Pinoy fans.

Natuwa siya na maraming nag-offer ng prayers para sa kanyang amang may sakit.

Pinalaking Katoliko si Alexander kaya naniniwala ito sa power of prayers.

Sabi niya, “Everybody is praying for me, I believe in prayers and all the support and all the support really encourages me.

“My motto is I want to be a living testimony for God, I just wanna show people all the positive side of life.

“If could do it, you guys can all do it, right? Fighting.”

Sinigurado rin ni Alexander na hindi maaapektuhan ng pangyayari ngayon sa pamilya niya ang kanyang trabaho sa teleserye.

“We have somebody coming very soon to our drama.

“I'm really excited because people think our drama is just gonna be the same, no, we have a surprise for all of you,” pagtatapos niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN