Robin Padilla thanks ABS-CBN for spearheading fund-raising telethon for Marawi victims

IMAGE Robin Padilla Instagram

Robin Padilla thanked Piolo Pascual and Direk Joyce Bernal for their generous donations for the Marawi victims. He also narrated how the two played a big part in convincing ABS-CBN to spearhead a telethon, which was eventually aired over ASAP last November 12.


Nag-post kamakailan si Robin Padilla sa kanyang Instagram account ng mga larawan ng pagbibigay tulong nina Piolo Pascual at Direk Joyce Bernal para sa mga kababayan natin na naging biktima ng terorista sa Marawi City.

Bihira ang mga taong may ganitong klaseng puso at pananampalataya.. Hindi ko masabi na religious act ang ipinakita nila sa akin ngayon gabi ng ika 23 ng oktubre 2017 sapagkat maraming religious na tao pero walang act na ganito..pagkatapos na pagkatapos na makapaningil ng kanilang kinita sa pagiging mga producer ay hindi naisip ng dalawang ito na mag goodtime kaagad o magpakalunod sa celebration bagkus ang ginawa nila ay hinanap ako at kagyat nagdonate ng pera para sa pagpapatayo ng bahay sa marawi. 1million piso galing kay kapanalig na Piolo Pascual @piolo_pascual at 500 libong piso galing kay kapanalig Joyce Bernal @direkbinibini. Maraming maraming salamat sa inyong dalawa dahil hindi lamang tulong pinansyal ang nais ninyong ibahagi kundi pati ang inyong personal na serbisyo para sa pagpapalaganap ng Tindig Marawi sa bawat puso ng Pilipino..mabuhay kayo aking mga kaibigan!! Mabuhay ang inyong Mga ispiritu !! Dasal koy kumalat ang mga #spiritualact ng bawat Pilipino upang manaig ang ating lahing pagkaTagalog!! .. "Sa salitáng tagalog katutura’y ang lahát nang tumubo sa Sangkapuluáng itó; sa makatuid, bisaya man, iloko man, kapangpangan man, etc., ay tagalog din. (The word tagalog means all those born in this archipelago; therefore, though visayan, ilocano, pampango, etc. they are all tagalogs.

A post shared by robin padilla (@robinhoodpadilla) on

Si Robin pala ang naging tulay kung kaya’t nagkaroon ng telethon sa ASAP nung nakaraang Linggo, November 12, para sa Marawi victims.

Lahad niya, “Yung dalawa, ang istorya niyan, sa pagkakalahad nila, galing silang kumuha ng kanilang kinita sa Kita Kita."

Sina Piolo at Direk Joyce ay co-producers ng blockbuster film na Kita Kita, na tumabo ng mahigit 300 million pesos.

Patuloy na kuwento ni Robin, “Dahil dun, gusto nila akong makita, hinanap nila ako, pumunta sila dun sa shooting, sabi nila, 'May ibibigay kami sa iyo.'

“Sabi ko, 'Ano kaya yun?' Di ko alam.

“Nung dumating sila dun, binigyan nila ako ng tseke, one million galing kay Piolo, 500,000 galing kay Direk Joyce.

“Sabi nila, 'Alam namin mayroon kang programa sa Marawi, gusto namin na kagyat na makarating.'

“Sabi ko, 'Naku, maraming salamat, mayroon tayong ongoing doon na mga projects.'

“Siyempre, nagkukuwentuhan lang din kami, humingi sila ng background.

“E, alam mo naman ako, pagdating diyan, kahit ilang araw tayong mag-usap, e, kukuwentuhan kita.

“Di ko alam na nagmarkahan sa kanila lahat nung kuwento."

Dagdag niya, “Pagkaraan ng dalawang araw, tinatawagan ako ni Piolo saka ni Direk, 'Mayroon tayong meeting sa ABS.'

“Nagtatago nga ako sa ABS dahil inu-overload ako ng trabaho. Nawalan ako ng choice, pumunta ako.

“Aba, meeting pala yun, matinding meeting.

"Nandun lahat ng boss, and pati ABS-CBN Foundation nandun.

“Gusto nga raw nila ng telethon.

“Sabi ko, 'Telephone lang ang alam ko, di ko alam ang telethon, ano ba 'yan?'

“Yun daw pala yung tatawag yung tao, magpi-pledge.

“Sabi ko, 'Maganda ‘yan, malaking tulong ‘yan.' E, di sumuporta na ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre pag ganyan, kailangan yung mga taong tutulong, mae-expose sa ground.

“Kasama ko yung [ABS-CBN] News and Current Affairs, pumunta kami ng Marawi, kinunan namin yung mga naganap dun hanggang sa makabalik kami."

AWARENESS CAMPAIGN. Ayon pa kay Robin, bukod sa perang nalikom sa fundraising, mas malaking tulong ang naidulot ng pagbibigay-linaw sa mga isyu na kadalasan ay nababahiran ng pulitika. 

Sa tingin niya, mas mainam na nagkaroon na masinsinang diskusyon tungkol sa mga totoong nangyari sa Marawi.

Dagdag niya, “Ako naman, sa totoo lang, yung pera, secondary ‘yan.

“Ang kailangan ng mga Muslim, ng Maranaw sa ABS sa ngayon, e, yung inyong influence.

“Iparating sa mga tao, unang-una, yung nangyari sa Marawi, at di ito Islamic.

“Walang kinalaman ‘yan sa Islam.

“Pangalawa, yung malaman ng taong-bayan kung ano yung nangyari dun, kasi puro kuwento lang, e, at naiipit pa tayo sa pulitika.

“May kuwento si ganitong kulay, may kuwento si ganyang kulay, naliligaw ang tao.

“Sa pamamagitan ninyo at nagkaroon tayo ng no-holds barred, masayang-masaya ako dahil kanina yung talakayan lang namin sa telethon, no-holds barred.

“Ngayon lang ako naka-experience dito sa ating istasyon, Kapamilya, na di ako sinabihan ng di ko dapat sabihin.

“I have the freedom to say anything I like.

“Yun lang, para sa akin, tagumpay na yun, daig pa ninyo akong binigyan ng isang milyon at mapanood ng mga tagahanga ng mga artistang nakasama dito sa ASAP.

“Palagay ko, isang utang na loob na ‘yan. Sampung buhay ko man ang ibigay sa akin ng Panginoon, hindi ako makakabayad.

“Totoong istorya na ang ibinibigay ninyo, first-hand, at wala namang pinakamaganda medium dito kundi kayo, ang telebisyon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN