Heaven Peralejo opens up about her mother's battle with cancer

IMAGE Glen Sibonga

Heaven Peralejo on her voluntary exit from Bahay Ni Kuya: "Para sa akin, hindi naman siya frustration, hindi ako nanghinayang na lumabas agad ako ng PBB. Kasi pumasok po ako ng Bahay ni Kuya para sa mom ko po, kasi gusto ko ngang makatulong financially para sa medications niya. So, siyempre hindi malayo na lumabas ako para sa mom ko, di ba, siyempre gagawin ko ang lahat para sa nanay ko."


Kasabay ng gumaganda niyang showbiz career, masayang ibinalita ni Heaven Peralejo ang kasalukuyang maayos na kundisyon ng kanyang inang si Shiela Luanne Peralejo.

Isang taon na raw cancer-free ang ina matapos ang successful operation nito noong isang taon.

Pahayag ng Star Magic talent, “As of now, cancer-free pa siya, as of now.

“Matagal din ang pinagdaanan niya sa kanyang sakit and para sabihing cancer-free ka talaga.

“So, parang another ten years pa [yung nadagdag sa lifespan niya].

“One year na, so hopefully sana tumagal talaga yung pagiging cancer-free ng mom ko.

“Kaya talagang gagalingan ko sa showbiz.”

Endometrial stromal sarcoma (ESS) o uterine cancer at throat cancer ang naging sakit ni Mommy Luanne.

Para matulungan sa pagpapagamot ang ina ay pumasok si Heaven sa Pinoy Big Brother: Lucky 7 noong 2016.

Pero ang kundisyon din ng kanyang ina ang naging dahilan niya para mag-voluntary exit siya sa reality show ng ABS-CBN.

Lahad niya, “Kaya po ako lumabas kasi may nakita pong bukol sa may nose part malapit sa brain ng mom ko.

“So, siyempre gusto ko nandun ako kasama ang mom ko, lalo na operation and malapit pa sa brain.

“Para sa akin, hindi naman siya frustration, hindi ako nanghinayang na lumabas agad ako ng PBB.

“Kasi pumasok po ako ng Bahay ni Kuya para sa mom ko po, kasi gusto ko ngang makatulong financially para sa medications niya.

“So, siyempre hindi malayo na lumabas ako para sa mom ko, di ba, siyempre gagawin ko ang lahat para sa nanay ko.

“I mean, big help na rin naman sa akin ang PBB.

“Actually, makapasok ka nga lang ng PBB and tumigil ka lang ng kaunti doon, for sure, may mga taong susuporta na rin sa iyo at magmamahal.

"Big leap siya sa showbiz."

Cancer-free man sa ngayon ang kanyang mommy, tuluy-tuloy pa rin daw ang pagpapa-check up nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Every month pumupunta kaming dalawa, may checkup siya, sinasamahan ko,” banggit ng dalaga.

Naniniwala rin si Heaven na malaking tulong ang pagdarasal nila at paniniwalang mapapagaling ng Diyos ang mommy niya.

“Talagang ipinag-pray po namin.

“At saka nakakatuwa, totoo po pala talaga yung sa Simala Church [in Sibonga, Cebu]. Pumunta po kami sa Simala.

“Si Tito Ogie [Diaz, manager niya] po yung nagsabi, sinamahan niya kami, ‘Nak, punta tayong Simala after ng PBB.’

“After noon, yung mga checkup po niya, as in wala na, for a year na cancer-free na siya.

“Meron pong maliliit na bukol, kasi hindi po maiiwasan iyon, di ba?

“Pero hindi siya cancerous. Iyon ang nakakatuwa kasi benign pa siya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Heaven sa presscon na inihanda ng BNY para sa kanila ni Andre Yllana bilang bagong ambassadors ng naturang clothing brand.

Ginanap ang presscon kahapon, Nobyembre 18, sa Le Creperie restaurant sa Katipunan Avenue, White Plains, Quezon City.

Kasama nilang humarap sa press ang BNY executives. Present din sa event ang kanyang Mommy Luanne, lola niya, pati mga fan groups niya para suportahan si Heaven.

BLOOMING SHOWBIZ CAREER. Masaya si Heaven na bukod sa bagong endorsement ay sunud-sunod din ang blessings at opportunities na dumarating sa kanyang showbiz career.

Saad niya, “Sa TV po, I have Wansapanataym.

“Kaming dalawa ni Ate Janella [Salvador], kaka-start lang po noong November 12, ang title po is Wansapanataym Presents Jasmin’s Flower Powers.

“Kambal po kami ni Ate Janella, siya yung suwerte sa life, ako yung malas. Ganun po yung story.

“Thankful po ako na nabigyan po ako ng challenging role."

Dagdag ni Heaven, “Sa movie naman po, kakatapos lang ng Bes and the Beshies with Ms. Ai Ai [delas Alas]. Anak po ako doon ni Ms. Zsa Zsa Padilla.

“Ngayon po, kakatapos ko lang ng shooting ng Mama’s Girl po with Sofia Andres and Ms. Sylvia Sanchez, it’s under Regal Films.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Isa po ako sa mga kaibigan ni Sofia.

“And then, itong BNY, pangalawang endorsement ko po ito. Kasama ko pa si Andre, same manager kami.

“I’m so happy and thankful na sunud-sunod ang blessings and nakakatulong ako kay Mommy.

“Paggising ko sa umaga, talagang nagpapasalamat ako kay God.”

Ano ang sabi ng mommy niya na tuluy-tuloy na ang kanyang showbiz career?

Ayon kay Heaven, “Ang sabi niya, ‘Nak, susuportahan kita kung gusto mo pa. Kung ayaw mo na, nandiyan pa rin ako, susuportahan kita. Hindi kita pinipilit, okay?’ gumaganun po siya.”

DEBUT. Perfect gift nga raw ang blessings na ito para sa nalalapit na ika-18 kaarawan ni Heaven sa November 25.

“Yes, magde-debut na ako. This November 26 ang celebration.”

Noong una raw ay ayaw na sanang magkaroon ng party ni Heaven dahil may iba siyang gustong iregalo sa sarili niya.

“Kasi noong una po talaga, car ang gusto ko.

“Siyempre, doon po tayo sa magagamit ko, and investment yun, e.

“So, sabi ko, car na lang, huwag nang mag-party.

“Pero every month, sabi ng parents ko, ‘Mag-debut ka na lang, mag-party ka na.’

“So, parang two months bago ang birthday ko, sige na nga.

“Pero nakabili na rin po kami ng car. Vital po siya para rin sa work ko.

“And gusto ko rin pong mag-drive since 18 na ako.”

Naging ugali na rin ni Heaven ang mag-give back sa pamamagitan ng charity works, lalo na tuwing sasapit ang kanyang kaarawan.

“Na-bless po kasi kami ni God nang sobra.

“Una, yung pagiging cancer-free ng mom ko. Tapos, sunud-sunod ang ginagawa kong projects.

"So, one way of pagpapasalamat ko is yung pag-give back and charity works mostly sa mga bata."

PROUD MOMMY. Nakausap din ng PEP.ph si Mommy Luanne at inihayag niya kung gaano siya ka-proud kay Heaven.

Saad niya, “Very, very proud ako. Kasi nagsimula siya, humble beginnings, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nung nagsimula siya, ang purpose niya is to help, tapos eto nga, now she’s living her dream, yung passion niya.

“So, lahat kami sa family, very supportive sa kanya.

“Maganda ang simula niya at unti-unti ay nararating na niya ang pangarap niya.

“So, happy kami and thankful sa Diyos talaga.

“And malaki rin ang pasasalamat ko sa anak ko, sa kanyang pagmamahal at pag-aalaga sa akin.”

May birthday wish din siya para sa anak.

“I wish na manatili lagi sa kanya yung faith, hope and love.

“Sabi ko, if you have those three, yung faith na paniniwala sa Diyos, yung hope laging may pag-asa na magiging maayos ang lahat, and then yung love para sa lahat.

“So, yun lang yung tatlo na lagi niyang tatandaan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN