Maine Mendoza pokes fun at her tummy bulge amid praises for catwalk feat

by Bernie V. Franco
Nov 19, 2017
Despite being highly applauded for her Bench runway debut, Maine Mendoza tweeted that she's far from perfect. (Left) Maine during the fashion show. (Right) The self-effacing actress tweets a photo of her "tyan na malaki."

Hindi ikinahiya ni Maine Mendoza na ipakita ang kanyang “tyan na malaki” sa kabila ng mga papuring natanggap niya sa kanyang pagrampa sa underwear fashion show ng isang kilalang clothing brand sa bansa.

Sa kanyang Twitter account, ilang beses nag-post si Maine at ipinahayag ang kanyang “imperfection” na lalo namang ikinabilib ng kanyang fans.

Isa sa main highlights ng Bench Under The Stars 30th anniversary fashion show ay ang pagrampa ng Kapuso artist nitong Sabado, November 18, sa Mall of Asia Arena, Pasay City.

Sa kanyang unang tweet pagkatapos ng show, pinasalamatan ni Maine ang mga sumigaw para sa kanya.

Tweet ng 22-anyos na aktres, “Omg thank you very much for the support guys! This is so surreal! Pero hiyang hiya ang tyan kong malaki.”

Ginamit din niya ang hashtag na #wapakels.

Sumagot din sa Maine sa tweet ng GMA News na nag-tweet tungkol sa kanyang “toned abs.”

Sagot ng aktres, “asan yung toned abs, eme!”

Continue reading below ↓

Sa kanyang ikatlong tweet, ipinakita ni Maine ang picture ng kanyang bilbil habang suot ang damit na inirampa sa fashion show at ikinumpa pa ito sa palaman sa tinapay.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Despite being highly applauded for her Bench runway debut, Maine Mendoza tweeted that she's far from perfect. (Left) Maine during the fashion show. (Right) The self-effacing actress tweets a photo of her "tyan na malaki."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results