Andre Yllana excited to be a big brother again

IMAGE Glenn Regondola

Andre Yllana on being a big brother: "Aminado ako na sutil ako. Pero yung pagiging sutil ko kasi, yun talaga ang paglalambing ko sa kanila. Siguro naman, okey naman ako bilang kuya nila."


Tanggap daw ni Andre Yllana na magkakaroon na siya ng panibagong kapatid mula sa kanyang ama na si Jomari Yllana at sa current girlfriend nitong si Joy Reyes.

Si Andre ay ang anak ni Jomari sa dating asawa nitong si Aiko Melendez.

Pahayag ng 19-year-old newbie actor, “Honestly po, I'm excited.

“Napakahilig ko po kasi sa bata, so finally may aalagaan na ulit akong bata.

“Kasi nga, yung kapatid kong si Marthena ay nagulat ako recently lang.

“Naglalambing ako, yakap ko, tapos sabi ko, ‘Kiss mo nga ako?’

“Ang sagot niya, 'Ayoko nga!’

"Sabi ko 'Hay, tanda na ni baby.’

"Nakaka-excite na meron na ulit akong bagong malalambing."

Si Marthena Jickain ay anak ni Aiko sa pangalawa nitong asawang si Martin Jickain.

Kumusta naman siya bilang “kuya” sa iba pa niyang kapatid?

Ayon kay Andre, “Aminado ako na sutil ako.

“Pero yung pagiging sutil ko kasi, yun talaga ang paglalambing ko sa kanila.

“Siguro naman, okey naman ako bilang kuya nila.

“Close naman kasi kami lahat, e.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Andre sa contract signing niya bilang pinakabagong teen ambassador ng jeans and shirt line na BNY, na ginanap sa Le Creperie, sa Katipunan, Quezon City kahapon,  October 19.


Stories We Are Tracking

Jomari Yllana to become a dad again after 19 years
Jomari Yllana to become a dad again after 19 years

STEPMOM. Malapit ba si Andre sa girlfriend ng kanyang daddy na si Joy?

Tugon ni Andre, “Opo, close naman po kami.

“Tuwing nagkikita kami ni Daddy, laging kasama namin.

“So, may bonding naman kami.”

Nagseselos ba ang kanyang mommy tuwing nagkakasama-sama sila?

Saad ng panganay ni Aiko, “Hindi naman po.

“Siyempre nagtatanong lang kung saan kami pupunta o saan kami pumunta.

“As a mother, kasi dapat alam niya kung nasaan ako, kasi baka kung may mangyari po.”

Ayon kay Andre, sa kanyang ina nalaman na buntis ang girlfriend ng kanyang ama.

“Kasi, ang alam ko nga po, nakunan siya [Joy].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E, alam ko naman po na gusto rin ni Daddy, kaya ini-expect ko rin naman na mabubuo.

“So, yung sabihin ni Mama na, ‘O, buntis na si...’ excited din talaga ako.”

Kumusta naman ang relasyon ng kanyang mommy at daddy ngayon?

Diretsong sagot ni Andre, “Okey naman po.

“Sa tingin ko ay okey naman po.

“Siguro dahil siyempre, ang mommy ko, yung dati, siguro friends lang talaga sila.

“Ganun pa din naman ang tawagan nila, ‘Dada’ pa rin.”

Pagdating naman daw sa kanya, palagi pinaalalahanan ni Aiko.

Sabi ni Andre, “Lagi kasing sinasabi sa akin ni Mommy.

“Pabiro, pero may laman, ‘Oy, 'wag mo muna akong gawin lola.’

“Pabiro, pero andun yung... .i-built up mo muna ang sarili mo, mag-ipon.

“Kailangang ganun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN