Paolo Ballesteros thankful for movie projects despite hectic shooting skeds

IMAGE Noel Orsal

Paolo Ballesteros narrates his ordeals while doing three movies all at the same time, on top of his two regular TV shows: "Nakakapagod talaga ang maglagare, kasi from one set to another, 'tapos another na naman. Minsan nakakalimutan ko na kung anong movie ba ang gagawin ko."


Wala raw rason para magreklamo si Paolo Ballesteros dahil sa sunud-sunod na trabahong ginagawa niya sa TV at pelikula.

Si Paolo na nga siguro ang pinaka-in demand na komedyante ngayon dahil bukod sa Eat Bulaga at The Lolas Beautiful Show, tatlong pelikula ang tinapos niya: Barbi D'Wonder Beki, Trip Ubusan: The Lolas Vs. Zombies at Amnesia Love.

“First time na nangyari sa akin ang ganitong ka-ngarag na schedule, pero di naman tayo nagrereklamo.

"Maraming artista ang walang work, dapat thankful ako na nandiyan ang trabaho sa akin parati.

"Natuto na akong huwag mag-complain dahil ayokong bawiin ni Lord and mga blessings na ito.

"Kaya maging thankful tayo parati, di ba?

"Hindi araw-araw ay Pasko.

“May time na mawawala ang mga ito, pero kahit gayun pa man, magpasalamat pa rin tayo,” pahayag ni Paolo nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa grand presscon ng pelikulang Trip Ubusan sa Matrix Creation Events Venue sa Quezon City noong nakaraang November 14.

LAGARE KING. Kumpara sa mga co-stars ni Paolo na sina Jose Manalo at Wally Bayola, siya ang pinakapagod dahil sa paglalagare.

Kuwento ni Paolo, halos magkasabay niyang ginawa ang Trip Ubusan at ang solo project niya na Barbi D’Wonder Beki.

Bukod pa rito, nabigyan pa siya ng schedule para sa Amnesia Love.

Lahad niya, "Nakakapagod talaga ang maglagare, kasi from one set to another, 'tapos another na naman.

"'Tapos, sabay pa diyan ang taping namin ng The Lolas Beautiful Show at live pa kami sa All for Juan, Juan For All segment sa Eat Bulaga."

Sa sasakyan niya na raw halos natutulog si Paolo dahil sa magkakasunod na shootings niya.

"Uuwi lang ako para kumuha ng damit at ibang make-up.

“E, wala akong alalay at driver, di ba? Kaya ako pa ang mag-drive papunta sa locations.

"In-between, ako pa ang mag-makeup sa sarili ko para pagdating sa set, ready na ako kahit ngarag na tayo,” tawa pa ni Paolo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PAOLO'S WISH. Kung may hihilingan lang daw si Paolo, iyon ay ang kumpletong pahinga dahil ilang buwan na raw siyang kapos sa tulog.

"Tagal ko nang di naranasan ang tinatawag na eight-hour sleep.

"Ano ba ang tulog? Di ko na alam iyon!

"Kasi minsan uuwi lang ako para matulog nang konti, pero magigising ulit ako para mag-prepare sa susunod na shooting.

"Minsan nakakalimutan ko na kung anong movie ba ang gagawin ko. Nalilito na rin ako minsan!" natatawa pa niyang pag-amin.

VACATION WITH DAUGHTER. Sobrang blessed naman si Paolo dahil napatayo na niya ang dream house niya at lahat ng pagod niya ay para sa anak niyang si Keira Claire.

"Basta para sa anak ko, kahit wala nang tulug-tulog!

"Minsan sinasabihan ako ng anak ko, 'Papa, rest ka naman.' Alam mo na naglalambing siya.

"Siyempre, gusto ko rin na magpahinga and spend quality time with her.

"Basta matapos lang ito lahat, bakasyon kami ng anak ko para makabawi ako sa kanya," pagtatapos pa ni Paolo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN