Joross Gamboa to soon-to-be-daddy John Lloyd Cruz: "Welcome to the club!"

IMAGE Noel Orsal

Joross Gamboa (left) to John Lloyd Cruz (right) and Ellen Adarna: "Ang wish ko lang sa kanila, kay Ellen, is maging healthy ang pagbubuntis ni Ellen, and maging healthy rin kayo as couple."


Bilang malapit na kaibigan, may mensahe si Joross Gamboa kay John Lloyd Cruz ngayong malapit na rin itong maging isang ama tulad niya.

Buntis na ngayon ang kasintahan ni John Lloyd na si Ellen Adarna.

“Unang-una, congratulations sa kanya at welcome to the club!” bulalas ni Joross.

“Ngayon, mas maiintindihan mo na ang pinagdadaanan naming mga ama kung bakit minsan, hindi kami makasama, makaalis…

“And sa akin, ang wish ko lang sa kanila, kay Ellen, is maging healthy ang pagbubuntis ni Ellen, and maging healthy rin kayo as couple.

“Keep God in the center of your relationship and glory to God, blessing ‘yan!”


Stories We Are Tracking

Ellen Adarna is pregnant, John Lloyd Cruz is the father
Ellen Adarna is pregnant, John Lloyd Cruz is the father

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joross sa presscon ng pelikulang Deadma Walking, na ginanap sa Limbaga 77 restaurant, sa may Quezon City, ngayong Linggo, November 19.

DADDY JOROSS. Ano ang nabago kay Joross mula nang maging tatay siya? Ano ang naisakripisyo niya?

Tugon ng 32-year-old actor, “Mas magiging selfless ka na pag may anak ka na, at kailangan siyempre mag-ano ng time mo, yung priorities in life.

“Sa akin kasi, ang priority ko is family over work.

“Kaya siyempre, nagtatrabaho ako para mabuhay; hindi ako nabuhay para magtrabaho.

“So, ganun ang ginagawa ko.

“Pag may free time ako, doon sa mga babies ko na lang ilalabas kesa yung lumabas ako or mamasyal.”

May dalawa nang anak si Joross sa kanyang misis na si Kathy Saga; two years old ang panganay at five months pa lang ang kanilang bunso.

Nahirapan ba siya sa pag-aalaga ng babies, halimbawa’y sa pagpapalit ng lampin?

Ayon sa La Luna Sangre actor, “Mahirap, mahirap… pero masaya!

“Dahil ako, hands on ako sa mga anak ko.

“Gusto ko, yung first palit, yung first ano… tagatimpla ng gatas. Kahit ngayon!

“Kagabi lang, nagigising ako ng madaling-araw, kasi kailangan kong timplahan ng gatas yung panganay ko pag umiiyak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And then, yung pangalawa ko, minsan umiiyak. Kailangang alug-alugin mo yung higaan niya para makatulog ulit.

“Merong time na galing ako ng taping… alas-singko, alas-kuwatro ng umaga, pagkaano ko, matutulog ka na lang, biglang…

“Yung oras na magigising ang anak mo, sabay papatong sa ‘yo, kukulit-kulitin ka.

“Pagod ka pero pipiliin mong… 'Sige, laro muna tayo. Mamaya na lang ako matutulog!'”

Mensahe pa ni Joross para kay John Lloyd, “So, mae-enjoy mo ‘yan! I’m happy for you!”

Ilang pelikula na ang pinagsamahan nina Joross at John Lloyd sa bakuran ng Star Cinema.

Kabilang dito ang trilogy movie nina John Lloyd at Sarah Geronimo: A Very Special Love, You Changed My Life, at It Takes A Man and A Woman.

THANKFUL. Samantala, nagpasalamat naman si Joross kina John Lloyd at Dingdong Dantes, na mga original choice para sa pelikulang Deadma Walking.

Abala sina John Lloyd at Dingdong sa ibang projects kaya hindi sila pumuwede sa drama-comedy, na napiling official entry sa Metro Manila Film Festival 2017.

Sina Joross at Edgar Allan Guzman ang nakakuha ng roles nila.

Ayon kay Joross, “Gustong gawin ni Lloydie, pero meron pa siyang movie with Sarah.

“Hindi rin puwede si Dingdong, kaya sinalo namin ni EA ang blessings! Salamat, salamat!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN