Maine Mendoza defends Gabbi Garcia amid snubbing allegations

IMAGE Photos from Instagram

Maine Mendoza (left) took to Twitter to defend fellow Kapuso star Gabbi Garcia (right), who is now being bashed for allegedly snubbing the Dubsmash Queen in a recently-concluded fashion show they both participated in.


Ipinagtanggol ni Maine Mendoza ang kapwa Kapuso artist niyang si Gabbi Garcia matapos i-bash ang huli kaugnay ng ilang alegasyon na hindi raw niya binati si Maine sa katatapos lang na fashion show nitong Sabado.

Ibinahagi ng isang netizen (@jenasis818) ang kuha niyang video sa pagtatapos ng ginanap na Bench Under The Stars fashion show nitong nakaraang Sabado, November 18, sa Mall of Asia Arena.

Sa naturang video, makikita si Maine at ang ilang artista mula sa magkabilang network kagaya nina Kim Chiu, Kathryn Bernardo, Richard Gutierrez, Ruru Madrid, Julia Barretto, at Gabbi Garcia na nasa entablado.

Mapapanood sa video ang pagbati at pakikipag-usap ni Maine sa mga artistang kagaya nina Kim, Richard, Kathryn at Julia na pawang mga taga-ABS-CBN.

Pinakamatagal na nakausap ni Maine si Julia na nilapitan pa ang Eat Bulaga host at makikita pa na sabay na may kinawayan sa audience.

Pero sa entabladong iyon ay hindi mapapanood na nagkausap sina Maine at Gabbi kahit na makikitang malapit lang sila sa isa't isa at parehong GMA artists.

Makikita naman si Ruru na binati si Maine.

Maraming tagasuporta ni Maine ang nagalit at tinawag na plastik si Gabbi dahil sa diumano'y pang-iisnab niya.



MAINE DEFENDS GABBI. Bunsod nito, nag-tweet si Maine at nakiusap na huwag i-bash si Gabbi.

Hindi lang daw napansin iyon ni Gabbi kaya huwag nang palakihin pa.

“Hi guys, please do not bash Gabbi. Clearly, hindi lang niya napansin kaya sana wag na gawan ng issue. She is actually a nice person,” tweet ng 22-anyos na actress-host.

Sa katunayan daw, si Gabbi ang madalas lumapit sa kanya.

“Ang totoo niyan, siya pa nga yung palaging lumalapit at bumabati sa akin.”

Nag-tweet naman si Gabbi sa ginawang ito ni Maine at nagpasalamat sa kanyang effort na pagtatanggol sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN