Angelika dela Cruz takes firm stand against bullying

IMAGE Noel Orsal

Angelika dela Cruz shares her advice for bullying victims, whether online or in real life: "Huwag matakot, speak up! Dun sa mga nabu-bully, huwag kayong matakot, speak up for yourself. Kung hindi mo kayang i-defend yung sarili mo, humingi ka ng tulong, para madepensahan ka."


Umamin si Angelika dela Cruz na dahil sa papel niya sa Ika-6 Na Utos ay may nam-bash sa kanya sa social media (Facebook account) at sinabihan siyang, ‘Mamatay ka na!’

Sinagot daw niya ito.

Pagmamalaki niya, “Pumapatol kasi ako, e!”

Ano ang isinagot niya sa basher?

“'Mauna ka! Bakit ako? Ikaw ang mamatay! Gago ka ba?’

“Piniktyuran ko yung ano niya, 'tapos pinost ko. Ganun yun,” lahad niya.

Hindi na raw sumagot pa ang naturang basher.

Aniya, “Binash na siya ng mga tao, e.”

Ano ang masasabi niya sa mga ganitong bashers na tulad ng isang iyon na sinabihan siyang mamatay na?

Tugon niya, “E, mauna sila!

“Kung ano yung ano nila, mauna sila.

“Pero alam mo, minsan kasi, pag inisip mo din, alam mong iyon yung mga taong baka may pinagdadaanan o malulungkot sila sa buhay nila.

“Yung frustrations nila ibinubuhos nila sa ibang tao.

“Kaya masyado silang affected.

“Actually, sa totoo lang, hindi mo sila dapat patulan pero kasi minsan, not naman all the time din...

“Alam mo yung understanding ka, lalo na pag natiyempuhan ka na medyo bad trip ka, o nagdi-dysmenorrhea ka tapos mababasa mo, ‘Mamatay ka na!’

“Di ba parang, ‘Bakit ako? Mauna ka!’

“E, ako pa naman, patol.”

ANTI-BULLYING CRUSADE. Dagdag pa ni Angelika, “Ang social media kasi maraming advantages pero marami ring disadvantages, kasi parang ako sa barangay ko, very ano ako sa bullying, e.

“Kasi di ba, yung mga kasu-kaso sa school?

“Kami yung umaano nun, e.

“Pati yung sa BCPC [Barangay Councils for the Protection of Children], yung protection para sa mga children.

“Marami kaming kaso na puro pambu-bully, mostly social media.”

Paano ang ginagawa nila?

Paliwanag niya, “Marami, mahabang proseso, e.

"Delicate kasi pag underage yung mga inaano.

“Pero ako madalas akong magpa-seminar sa mga bata.

“Para ipaintindi sa kanila na you have a responsibility, hindi ka puwedeng click ka nang click.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dapat nagti-think ka rin, di ba?”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Angelika (nitong November 16, Huwebes sa Matrix Creations Events Venue sa Quezon City) sa presscon ng Trip Ubusan: The Lolas Vs. Zombies na pinagbibidahan nina Jose Manalo (as Lola Tinidora), Wally Bayola (as Lola Nidora) at Paolo Ballesteros (bilang si Lola Tidora).

Ito ay co-produced ng APT Entertainment at M-ZET Productions.

Sa direksyon ni Mark Reyes, ipapalabas ito sa mga sinehan ngayong Miyerkules, November 22.

ADVICE FOR BULLYING VICTIMS. May payo si Angelika (na barangay captain sa lugar nila sa Malabon) sa mga nabu-bully.

Diin niya, “E, huwag silang magpa-bully.

“Puwede mo namang i-report, e. I-report mo!

“Huwag matakot, speak up!

“Dun sa mga nabu-bully, huwag kayong matakot, speak up for yourself.

“Kung hindi mo kayang i-defend yung sarili mo, humingi ka ng tulong, para madepensahan ka.

“Dun naman sa mga nambu-bully, seek psychiatric help.

“Kasi ibig sabihin, pag gusto mong manakit ng kapwa mo, may issues ka sa sarili mo.”

BULLY VICTIM NO MORE. Ang anak na panganay ni Angelika na si Gabby (who is eight years old) ay nakaranas na raw ng pambu-bully.

Kuwento niya, “Nung una, nabu-bully siya. Kasi may pagka-special yung anak ko, e.

“Meron siyang slight autism, so siyempre pag ganun, since eccentric nga sila, medyo iba, ang tendency ma-bully.

“Pero kinausap ko siya. Sabi ko, ‘Huwag kang papayag na ma-bully ka.’

“Sabi ko, 'You tell your teacher or you tell mommy para we know what to do.’

“Hindi sinabi kay mommy, sinuntok yung classmate!

“E, di siyempre pinatawag ako sa school.

“Sabi ko, ‘O, Gabby, why did you hit your classmate?’

“Sabi niya, ‘E, kasi he’s bullying me, mommy, e. Di ba sabi mo don’t let people bully me?’

“Oo, pero hindi ko naman sinabi na dyombagin mo, anak! Baka sabihin tinuturuan ka ng nanay mo ng hindi maganda.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano naayos ang gulo?

Saad niya, “Kasi yung mga teachers kasi sa school niya, mga psychologists.

“May mga psychologists sila, so para huwag magkabanggaan yung parents, yung teachers ang nagme-mediate.

“Actually, kawawa yung mga batang nabu-bully.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN