Rocco Nacino on 'big surprise' at Bench fashion show: "I want to make this special and unforgettable."

IMAGE Rocco Nacino Instagram / Noel Orsal

Rocco Nacino on his Bench fashion show experience: "Takot ako na walang sisigaw sa akin, kasi ang mga sigaw, puro sa big stars. Pero paglabas ko, sumigaw ang audience. I felt their excitement and that prompted me to be super hyper to pump up the crowd."


Overwhelmed ang Haplos lead actor na si Rocco Nacino dahil sa mainit na pagtanggap ng Mall of Asia Arena audience sa daring act niya sa Under The Stars.

Black thong brief lang ang suot ni Rocco kung saan kitang-kita ang kanyang puwet.

Ginanap ang 30th anniversary fashion show ng Bench noong Sabado, November 18.

May mga nag-akalang uminom muna ng alak si Rocco bago siya rumampa sa stage para mabawasan ang kaba niya.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Rocco, ipinagtapat nitong bawal sa diet niya ang pag-inom ng alak, kaya literal na kumakabog ang dibdib at triple ang kaba na kanyang naramdaman bago siya lumabas sa stage.

Lahad ng Kapuso actor, “Sa totoo lang, nag-cramps ang mga daliri ko sa sobrang kaba ko during the show, lalo na nung palabas na ako sa stage.

“Siyempre, puro big stars ang nandoon at wala naman ako sa level nila.

“Sabi ko, since I’m 30 years old, kasing-age ko ang Bench, I want to make this special and unforgettable.

“Kinausap ko si Noel Manapat [Bench in-house stylist], and months before, sinabi ko na sa kanya ang plan ko.”

Patuloy ni Rocco, “Na-appreciate ko that Bench came on board with me to do this. Sinuportahan nila ako.

“May sarili kaming fittings, pinag-usapan namin yung pagrampa na gagawin ko, plus the big surprise.

“Kinabahan lang ako, kasi yung mga big bosses kept saying, ‘Good luck, ha. Ikaw yung highlight mamaya.’

“Happy ako kasi after the show, nag-thank you sila sa akin.

“Basta masayang-masaya ako.

“Takot ako na walang sisigaw sa akin, kasi ang mga sigaw, puro sa big stars.

“Pero paglabas ko, sumigaw ang audience.

“I felt their excitement and that prompted me to be super hyper to pump up the crowd.”

SHAVE IT UP. Bukod sa hindi pag-inom ng alak, regular exercise at piling-pili na pagkain bilang paghahanda sa fashion show ng Bench, ang pag-aahit sa pubic hair area ang isa sa mga sakripisyo ni Rocco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ako nagpa-wax. Meticulously shaved siya,” paliwanag ni Rocco sa mga nakapansing malinis, makinis ang pubic hair area niya.

Sa mga nagtatanong kung nasaan ang controversial black thong brief na ginamit ni Rocco sa fashion show, ibinalik daw niya ito sa Bench.

Pero may balak siyang hingin ang underwear.

May nakapagsabi kay Rocco na itago nito ang black thong brief bilang souvenir dahil malaking bahagi na ito ng history ng kanyang makulay at masayang showbiz career.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN