Tom Doromal breaks silence on Hashtag Franco's drowning incident

by Bernie V. Franco
Nov 20, 2017
Tom Doromal (right) gives details about the drowning incident that took the life of fellow Hashtags member Franco Hernandez (left). "Tinray kong i-revive. Ni-rush namin sa hospital. Tapos, after a while, kinausap ako. Sabi nila, wala na daw," says Tom.

Sa unang pagkakataon ay nagsalita na si Tom Doromal kaugnay ng pagkalunod ng kapwa niya Hashtags member na si Franco Hernandez.

Isa si Tom sa mga kasama ni Franco nang mangyari ang insidente sa isang resort sa Davao Occidental noong November 11.

Dahil sa insidenteng ito ay nasawi Franco, 26.

STORIES WE ARE TRACKING

Sa panayam niya sa Rated K ng ABS-CBN nitong Linggo, November 19, inilahad ni Tom ang mga kaganapan sa pagkalunod ni Franco.

Ayon kay Tom, niyaya niya si Franco at iba pang miyembro ng Hashtags na magpunta sa kanilang probinsiya sa Davao Occidental para magbakasyon.

Ang Hashtags ay ang all-male group na regular na nagpe-perform sa ABS-CBN noontime show na It's Showtime.

Lahad ni Tom, “Nung nalaman namin na may bakasyon, [November] 10-14, in-invite ko lahat ng Hashtags.

"Kinausap ko si Franco, 'Bakasyon tayo dun.'"

Pumayag daw si Franco at isinama pa nito ang girlfriend niyang si Janica Nam Floresca.

Continue reading below ↓

STORIES WE ARE TRACKING

DELAYED FLIGHT. Ayon pa kay Tom, may mga indikasyon na hindi na sila dapat natuloy, kagaya ng pagkaantala ng kanilang flight.

“Flight namin, 6 A.M. Tapos nung 6 A.M., nagulat kami, ba’t wala pa yung flight namin.

“Di ba, sa airport, may last call?

“Nung 8 A.M. na, tinanong na namin, ‘Oo, kanina pa [nakaalis].’

"Hindi pa tinawag yung pangalan namin and everything.

“Ta's pina-rebook na nila. Nine ata or 10 A.M. Tapos, nag-fly kami ng Davao.”

Ang unang balak daw nila ay magpunta ng falls, pero pinigilan daw sila.

“Una, balak talaga namin na mag-falls, kaso a day before, umulan sa place namin.

“Sabi, medyo ano ang falls... pangit na.

“Sabi ko, ‘Bro, puwede tayong mag-white beach.’ Tapos, nakarating kami.

“Tapos, ayun, nung sinabi ko, ‘Bro, balik na tayo kasi anong oras na. Medyo dumadami na yung alon.’”

MOTORIZED BANCA. Pasado alas-dos umano ng hapon ng November 11 nang mapasukan ng tubig ang sinasakyan nilang motorized banca.

Continue reading below ↓

Sakay umano ng bangka sina Tom, Franco at girlfriend nito, at dalawa pang kasama.

Napilitan umano ang mga lalaki na tumalon mula sa bangka, kasama sina Tom at Franco, at naiwan sa bangka ang dalawang kasama nilang babae.

Kuwento ni Tom, “Napasukan talaga ng tubig, buo. E, di tumalon na silang lahat.

“Tapos, nagulat na lang ako, sina Nam at Franco, nandon na sa medyo malayo.”

Nasagip naman ang magkasintahan, subalit wala na raw malay sa puntong iyon si Franco.

Ayon pa kay Tom, “Tinray kong i-revive. Ni-rush namin sa hospital.

"Tapos, after a while, kinausap ako. Sabi nila, wala na daw."

Dito na raw naisip ng kanilang grupo na sana ay hindi na lang sila tumuloy dahil sa mga senyales na hindi nila pinansin noong una.

“Siguro sana hindi na lang kami... siguro pumasok na sa isip namin na sabi ni God, huwag nang tumuloy.

"Pero hindi kasi pumasok sa isip namin, e.

Continue reading below ↓

"Parang na-realize na namin after nung pangyayari.

“Parang kinompile namin yung mga signs na ibinigay ni Lord na huwag na kayong tumuloy,” pahayag ni Tom.

Na-cremate ang mga labi ni Franco noong Biyernes, November 17.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Read More Stories About
Tom Doromal
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tom Doromal (right) gives details about the drowning incident that took the life of fellow Hashtags member Franco Hernandez (left). "Tinray kong i-revive. Ni-rush namin sa hospital. Tapos, after a while, kinausap ako. Sabi nila, wala na daw," says Tom.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results