Karla Estrada admits romantic past with Romnick Sarmenta

IMAGE Reielle Deslate / Hustisya page on Facebook

May namagitan daw kina Karla Estrada  at Romnick Sarmenta noong pareho pa silang nasa That's Entertainment. Pero ayon sa TV host-actress, pareho silang single noong mga panahong iyon. 


Dinalaw si Karla Estrada ng mga kasamahan niya noon sa Wednesday Group ng That’s Entertainment sa episode ng Magandang Buhay ng ABS-CBN ngayong Lunes, November 21.

Ito ay bahagi ng selebrasyon ng ika-42 kaarawan ng ina ni Daniel Padilla.

Ang That's Entertainment ay ang defunct youth-oriented show ng yumaong si German "Kuya Germs" Moreno sa GMA Network.

Tumagal ito ng sampung taon sa ere, mula 1986 hanggang 1996.

 

Ilan sa mga kasama ni Karla sa Wednesday Group ay sina Sheryl Cruz, Sunshine Cruz, Chuckie Dreyfus, Rachel Alejandro, Jojo Abellana, Jojo Alejar, Precious Hipolito, Piolo Pascual (PJ Pascual), G Tongi, at Romnick Sarmenta.

Habang inaalala ang mga naging karanasan nila noon sa That's Entertainment, biglang nabanggit ni Jojo Abellana ang tungkol sa isa raw niyang kaibigan na may idini-date sa kanilang grupo.

Kuwento ni Jojo, “Meron akong alam, kasi yung isang best friend ko sa Wednesday Group—mamaya ko na i-mention yung name—ay lagi kong kasama.

"So, nagtaka ako, sabi niya, ‘Jo, samahan mo ako.’

“Hindi lang ako kasama, yung co-members [kasama din].”

Sa pagkakataong ito, pinalo ni Karla ng unan si Jojo.

Ngunit patuloy pa ring kuwento ni Jojo, “So, sabi ko, ‘Go, bro, sama kami.’

"So, sama kami, 'maya biyahe na kami.

“Nagulat ako, nagulat kaming lahat, biglang, 'Si Karla ito, a!'”

Sa pangungulit ng co-hosts ni Karla sa Magandang Buhay na sina Melai Cantiveros at Jolina Magdangal, ibinulgar na rin ni Jojo kung sino ang tinutukoy niyang kaibigan.

Sabi niya, “Very sweet itong taong ito... walang iba kundi si Mr. Romnick Sarmenta.”

Kinilig naman ang mga taong nasa studio.

Ayon pa kay Jojo, “Those were the days.”

Sinabi naman ni Karla na mga bata pa sila noon at wala pang mga karelasyon.

Aniya, “Alam mo naman ‘yan, Jo, malinaw na talagang pareho kaming mga single-single noon.”

Sa ngayon, happily married na si Romnick, 45, kay Harlene Bautista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Karla naman ay may mga anak na rin mula sa mga dati niyang karelasyon na sina Rommel Padilla at Naldy Padilla ng Orient Pearl.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN