Sue Ramirez on relationship with Joao Constancia: "Walang pressure, walang label."

IMAGE Instagram / Noel Orsal

Sue Ramirez on status of relationship with Joao Constancia: "Ganun pa rin, lumalabas kami paminsan-minsan. Getting to know each other."


Nilinaw ng Kapamilya talent na si Sue Ramirez ang namamagitan sa kanila ng BoybandPH member na si Joao Constancia.

Ito ay sa kabila ng malakas na bulung-bulungang opisyal na ang kanilang relasyon.

Ayon kay Sue, “Ganun pa rin, lumalabas kami paminsan-minsan.

“Getting to know each other.

“Mayroon kaming mga sariling show, may mga sarili kaming priorities, of course pareho kaming may mga trabaho.

“Kami na? Hindi, basta happy lang. Walang pressure, walang label.”

Matagl-tagal na rin mula nang makipag-break si Sue sa huli niyang boyfriend, na hindi taga-showbiz.

Bakit sila naghiwalay noon ng kanyang ex-boyfriend?

Sagot ni Sue,“Mahirap i-explain, pero sa oras siguro saka efforts na willing kayong ibigay sa isa’t isa.”

Ngunit nananatili raw silang magkaibigan nito.

“Magkaibang level na siya. We’re friends, sobra, as in.

“Until now, nagkakausap kami.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sue sa presscon ng upcoming ABS-CBN drama series na Hanggang Saan, na ginanap sa Dolphy Theater noong Huwebes, November 16.

SUPPORTING ROLE. Bagamat nagbida na siya sa pelikulang The Debutantes ng Regal Films, hindi isyu kay Sue na gumanap ng supporting roles.

Kagaya ng karakter niya sa Hanggang Saan, kung saan gumaganap siya bilang anak ni Eric Quizon sa istorya.

Pahayag ng 21-year-old actress, “Ay, okay lang sa akin kahit na maging support ako habang-buhay.

“Basta may trabaho ako, masayang-masaya na ako.

“Walang isyu sa akin yun, okay lang ako.

"Mas nagiging flexible kasi yung ibinibigay na role sa akin."

Diin niya, “Walang isyu.

“I don’t think it’s an issue for me as long as I am given work, wala akong problema.”

Hindi ba siya nakakaramdam ng pressure sa pagsasama nila ni Sylvia Sanchez sa Hanggang Saan?

Saad ni Sue, “Actually, parang ayokong sabihin na pressure siya for me, gusto ko siyang gawing learning process na makatrabaho si Arjo [Atayde] saka si Tita Sylvia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang gagawin ko na lang siyang challenge, mas challenge siya for me to step up my talent, of course, aralin yung karakter para mas magampanan ko siya nang maayos.

“Kahit papaano naman, sana.

“Saka hindi lang yun effort ni Tita Sylvia, lahat kami kailangang mag-put in ng sobrang effort para siyempre mapaangat din ang mga sarili namin.

“Kapit-kamay kaming lahat talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN