Taki Saito reveals being a certified AlDub fan: "Kinikilig po ako!"

IMAGE Noel Orsal

Taki Salto says she has no suitors and no crushes, but she's close to Andre Paras: "We grew up in another country. So, yung utak po namin, medyo magka-match po."

 


Kasama ng Kapuso talent na si Taki Saito sa Triple A Management sina Marian Rivera at Maine Mendoza.

Ano ang pakiramdam na “kapatid” niya si Marian sa kanilang talent management?

Tugon ni Taki, “Ang saya po! Actually, I was very, very shocked.

"Kasi, nung first time ko po siyang na-meet, sobrang bait niya po sa akin.

“As in, ‘What’s your name? Saan ka galing?’

“Yung very talkative and very, very nice niya po.

“Actually, lahat po ng mga kasama ko sa Triple A ay very, very nice.”

Hindi pa raw niya nakakatrabaho ang tinaguriang Kapuso Primetime Queen.

Nababaitan din si Taki kay Maine.

Kuwento niya, “Nakasama ko po siya sa Eat Bulaga!

"Actually, I used to be… I still am, a fan ng AlDub, as in, literally.

"There was that one scene ng AlDub po, yung sa ibaba po ng Broadway [Centrum].

"Yung magmi-meet po sila.

“Nasa studio po ako nun, nanonood ako nang live!

“It was my first time to watch nang live…

"When I was in TV5, pakunwari-kunwari nanoood lang ako ng ibang thing.

“I was, like, watching AlDub the whole time.

“Kinikilig po ako! Kami ni Mama!

"As in, sa sobrang kilig yung naging die-hard po kami.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Taki sa presscon ng pelikulang Trip Ubusan: The Lolas VS Zombies, sa Matrix Creations Events Venue, Quezon City, noong November 16.

BONDING WITH ANDRE. Sakaling ilu-launch daw si Taki ng GMA Network as a major leading lady, si Andre Paras daw ang gusto niyang makapareha.

Sabi niya, “Someone na kaibigan ko po, si Andre Paras po.”

Bakit sila close ni Andre?

“Kasi ano po, we grew up in another country.

“So, yung utak po namin, medyo magka-match po.”

Nagkaroon daw sila ng bonding noong nag-guest si Andre sa defunct morning drama series na Trops, kung saan bida si Taki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Taki ang female lead sa show at kasama naman sa cast ang ama ni Andre na si Benjie Paras.

Sabi pa ni Taki tungkol kay Andre, “Parehas po kasi kaming hyper.

“Yung mga tao sa Trops, very seryoso.

“Kami po yung kahit hindi pa naman masyadong kilala, yung very bubbly, very happy.”

Wala raw nanliligaw kay Taki at sa tanong kung sino ang crush niya, sagot niya, “Si Justin Bieber!”

Sa local celebrities?

“Wala po akong crush, e.”

SAD FOR PARIS. Hapon ang biological dad ni Taki at sa Japan siya ipinanganak.

French naman ang kanyang stepfather at walong taon siyang nanirahan sa Paris, France.

Ano ang nararamdaman niya sa mga kaguluhan at terorismong nagaganap sa France at sa iba pang bansa sa Europe?

Saad niya, “Siyempre nakakagulat, siyempre nakakagulat, kasi Paris wasn’t like that before!

“Paris was, as everyone knows, a romantic city. Di ba, when you say Paris, romantic city?

“Ngayon, when you say Paris, the first thing that comes in your mind is, ‘Huwag na, delikado na.’

“Siyempre nasa-sad po ako kasi Paris is one… I think is the most touristic city.

“So, sobrang bumaba na po yung tourism namin and parang ang pangit po tuloy ng tingin po sa mga tao.

“Parang especially po yung naging classified po siya… parang nagkakaroon na po ng hati-hati na po.

“Parang hindi na po kami isang place, hindi na kami isang grupo, dun po ako na-sad.”

Kaya raw may wish si Taki.

“I really wish… of course, equality, peace, and I just wish that yung mga tao na lang po would give a second chance to Paris.

“Hindi naman po every day na nangyayari iyon, e, sayang naman po if you will close your mind just because of that.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN