Sylvia Sanchez insists she never lied about her firstborn

IMAGE Noel Orsal

Along with acting awards and fame, Sylvia Sanchez is also reaping brickbats from bashers who have been digging up her past. Her reaction: "Wala akong pakialam, ang importante sa akin, me and my God, not them... walang puwedeng magkuwestiyon sa pagiging nanay ko."


Ngayong sikat at napapansin na ang husay ni Sylvia Sanchez bilang isang aktres, nama-magnify ngayon ang personal niyang buhay, pati ang kanyang nakaraan.

Bago niya napangasawa ang negosyanteng si Art Atayde ay nagkaroon ng anak ang aktres mula sa dati nitong karelasyon.

Ang kanyang panganay ay si Pia Marie, na 29 years old na ngayon.

Seventeen years old lamang noon si Sylvia nang isilang niya ang kanyang panganay na anak.

Apat naman ang anak ng 46-year-old actress mula sa kanyang mister: sina Arjo, Ria, Gelo, at Xavi.

Pahayag ng 46-year-old actress tungkol sa pag-uungkat ng kanyang nakaraan, “Yes, dati naman di pinapansin yun, e.

“Parang, ‘Ha? Bakit parang napansin ngayon?’

“Pero ako, mayabang kong masasabi, mula nung nanalo ako ng award, dun sa interview ko sa magazine... never akong nag-deny.

“Palagi kong sinasabi, Pia, Ria, Arjo, Gelo, Xavi."

Sabi pa niya tungkol kay Pia, “Kilala siya ng mga barkada ko sa showbiz, sa industriya.

“Ang nakita lang kasi nila si Arjo, si Ria, kasi yun ang showbiz, not even Gela na nandiyan lagi din.

“Si Pia kasi, may sariling mundo, may sariling buhay.”
 
Ayon pa kay Sylvia, maganda ang relasyon ni Pia sa mga kapatid nito, lalo na kay Arjo.
   
“Close sila. Ngayon hindi, kasi nagkakatrabaho na sila, kanya-kanya.

“Protector ni Arjo si Pia, ang protector ni Pia is Arjo.

“Magka-close sila, tampuhan minsan, normal yun, magkakapatid yun, e.”
 
CHALLENGE TO BASHERS. Hindi maiiwasan na kung may mga nakakaintindi at sumusuporta kay Sylvia, may ilang netizens din ang nagbigay ng negatibong komento o reaksiyon tungkol sa pagkakaroon niya ng anak sa pagkadalaga.

Pahayag niya, “Wala namang bashers na matindi, mayroon lang mga nagko-comment.

“Pero wala akong pakialam, ang importante sa akin, me and my God, not them.

“It’s me and my God, and walang puwedeng magkuwestiyon sa pagiging nanay ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung may problema ka sa akin bilang nanay, kung mayroon kang kuwestiyon sa akin bilang nanay, harapin mo ako, sasagutin kita.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sylvia sa grand presscon ng kanyang bagong teleserye sa ABS-CBN, ang Hanggang Saan, noong November 16.
 
TOUGH MAMA. Pagkatapos ng matagumpay na The Greatest Love, muling magbibida si Sylvia sa Hanggang Saan.

Marami raw siyang nakikitang pagkakapareho ng karakter niya bilang Sonia sa kanyang pagiging ina.
  
Saad ni Sylvia, “Ilalaban ko mga anak ko, saka si Sonia, pag mali ka, mali ka.

“Kung kinakailangang bigyan ka ng leksiyon, bibigyan kita ng leksiyon.

“Tough love si Sonya, e, pero puwede rin siya na gagawin niya ang lahat para sa anak niya.

“Ganun ako, e, pag mahal kita, mahal kita.

“Pero kung kailangang tanggalan kita ng sungay, gagawin ko sa iyo yun.

“Ke anak kita, ke asawa kita, ke kapatid kita, kaibigan kita.

“Ginagawa ko yun sa kaibigan ko at sa mga anak ko.”

Sa lahat ng magagandang nangyayari sa career niya ngayon, napatunayan ni Sylvia na ang lahat talaga ng bagay ay nasa perfect timing.
  
“Sabi ko nga, ito yung sinasabi ko na slowly but surely, hindi ako nagmadali noon.

“Isa pa, di naman talaga ako nangarap na maging bida, ang akin ay yung longevity.

“Nandiyan ako, supporting ako, hanggang pagtanda ko.

“Ang bida, puwedeng mapalitan, ang bida puwedeng bumaba.

“Pero ang supporting, nandiyan lang, yun ang lang ang target ko.

“Nagkataon lang na after 27 years, heto naging bida ako, thanful ako na nagbida ako.

“I’ll make sure na graceful exit ako later on.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN