Piolo Pascual expresses support for John Lloyd Cruz amid news that Ellen Adarna is pregnant

IMAGE Instagram

Ayaw magkomento ni Piolo Pascual sa balitang magiging ama na ang kaibigang si John Lloyd Cruz. Gayunpaman, nasa likod lang daw siya ng kaibigan kung ano man ang magiging desisyon nito. 


Ayaw magkomento ni Piolo Pascual sa balitang pagdadalantao ng girlfriend ni John Lloyd Cruz na si Ellen Adarna. 

Ngunit ayon kay Piolo, suportado niya kung anuman ang maging desisyon ng kaibigan at kasamahan sa ABS-CBN.

Sa panayam ni Laila Chikadora ng News 5 kay Piolo ngayong Lunes, November 20, sinabi nitong nasa likod lang siya ng kaibigan at nakahanda siyang prumotekta rito.

Saad ng Kapamilya hunk, “We only want what’s best for him.

"But it’s not even for us to comment or say because it’s his decision, and we'll always gonna be here as his friend, as a brother, as a family.

“I’m not even in the position to even comment on what he’s doing because I’ll protect him as a brother, as a friend.”

Nitong Sabado, November 20, inilabas ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang eksklusibong impormasyon tungkol sa pagbubuntis ni Ellen, at si John Lloyd ang ama ng dinadala nito.


Stories We Are Tracking

Ellen Adarna is pregnant, John Lloyd Cruz is the father
Ellen Adarna is pregnant, John Lloyd Cruz is the father

HOME SWEETIE HOME. Nagkamabutihan sina John Lloyd at Ellen sa set ng weekly sitcom ng ABS-CBN na Home Sweetie Home.

Ngayong on-leave si John Lloyd sa show, si Piolo ang pansamantalang humalili sa kanya.

Pero hindi pa din daw pinal kung siya na ang permanent replacement ni John Lloyd.

Pahayag ni Piolo, “It’s not for me to say.

"When they asked me to guest, because of the current situation, of course, you know, being an ABS-CBN talent and I’m under contract, and I have a good relationship with my network and with Tin [Toni Gonzaga], who am I to say no?

“So, I have another taping next week.

"So far so good, okay naman daw.

"Wala pang word kung ano ang mangyayari, but I’m just there to give support and I’m enjoying it.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN