Kathryn Bernardo downplays lukewarm reception for Julia Montes at Bench fashion show

IMAGE Noel Orsal

Kathryn Bernardo (left) on comparisons with Julia Montes (right): "Of course, kami ni Julia, magkaiba kami. Kasi, siya ngayon ang sa pang-primetime na panghapon, na nakuha ni Julia sa Doble Kara. Lahat na-amaze sa performance niya. Wala akong masabi sa hirap at nagawa niya sa show na yun."


Nagulat si Kathryn Bernardo nang hiningan siya ng reaksiyon sa hindi gaanong magandang pagtanggap ng audience sa pagrampa ni Julia Montes sa Under the Stars.

Hindi maiwasang ikumpara ito sa pagrampa nina Kathryn at Daniel Padilla na tinilian nang husto ng mga manonood.

Malayo ito nang si Julia na ang rumampa.

Ginanap ang denim and underwear fashion show ng Bench sa MOA Arena noong Sabado, November 18.

Pahayag ng La Luna Sangre actress, “Minsan hindi mo naman mababase ‘yan sa sigawan ng mga tao. Hindi naman sa dami ng pumapalakpak sa ‘yo.”

Ayon pa kay Kathryn, 21, hindi sila dapat pagkumparahin dahil mas nalilinya si Julia, 22, sa mas mature na roles.

“Of course, kami ni Julia, magkaiba kami.

“Kasi, siya ngayon ang sa pang-primetime na panghapon, na nakuha ni Julia sa Doble Kara.

“Lahat na-amaze sa performance niya. Wala akong masabi sa hirap at nagawa niya sa show na yun.

“Proud ako kay Juls kasi lahat nakakaya niya.”

Hindi pa rin naman daw napuputol ang komunikasyon nila ni Julia dahil nagti-text sila paminsan-minsan.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kathryn sa grand opening ng panibagong branch ng pag-aari niyang KathNails, sa may second level ng SM Mall of Asia, kahapon, November 19.

MORE DARING? Samantala, hindi pa masabi ni Kathryn sa ngayon kung kakayanin na ba niyang rumampang naka-underwear o medyo daring ang suot sa mga susunod na Bench fashion show.

Saad ng Kapamilya star, “Pag pinirmahan ni Tita Mariole [Alberto of Star Magic] yung consent. Kasi every two years naman yun, e.

“Siguro sa next Bench, mga 24 na ako. Siguro unti-unti muna.

“Kasi dati, dress. Ngayon, may pa-tiyan.

“So, konti-konti.”

Kung sakaling magkakaroon ng pagkakataong rumampa siya uli sa Bench, maaaring hindi masyadong sexy o limitado lang, dahil hindi pa raw niya kayang rumampa nang naka-underwear.

“Hindi naman ako ganun ka-daring. Gusto ko yung bagay lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman ganun na sobrang pa-sweet, gusto ko yung nagagawa ko pareho na nirerespeto ka pa rin. Yung tama sa edad. 

“Okay lang may konting skin minsan,” pahayag ni Kathryn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN