Ellen Adarna's camp breaks silence on pregnancy news

by Arniel C. Serato
Nov 21, 2017
Pagkatapos ilabas ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang balitang buntis na si Ellen Adarna sa magiging anak nila ng aktor na si John Lloyd Cruz, sinabi ng talent manager ng sexy star na tanging si Ellen lamang ang dapat magsalita kung totoo o hindi ang tungkol dito.

Masaya at nasa maayos na kalagayan ngayon ang aktres na si Ellen Adarna.

Ito ang rebelasyon ng manager ni Ellen na si Pia Campos sa ABS-CBN News kagabi, November 20.

Ayon sa ulat ni Mario Dumaual, sinabi ni Pia na si Ellen ang dapat magsalita kung may aaminin o pabubulaanan ito tungkol sa lumabas na balita.

Saad ng manager ng sexy star, “At the moment, I can assure you that Ellen is well and happy.

"And if there are rumors to be admitted or dispelled, it’s her story to tell when she is ready to do so."

May nakausap din daw si Mario na isang source na malapit sa aktres.

Sinabi ng source na ito na ang kumpirmasyon tungkol sa pagbubuntis ni Ellen ay depende raw sa contract obligations ng aktres na magtatapos sa katapusan ng 2017.

Nakasaad daw sa endorsement contracts ni Ellen ang clause na bawal magbuntis ang isang babaeng endorser sa loob ng panahon ng kontrata.

Continue reading below ↓

Nitong nakaraang Sabado, November 18, eksklusibong inilabas ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang balitang nagdadalantao si Ellen, at si John Lloyd Cruz ang ama ng kanyang dinadala.

Hanggang ngayon, parehong tahimik ang dalawa tungkol sa balitang ito.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pagkatapos ilabas ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang balitang buntis na si Ellen Adarna sa magiging anak nila ng aktor na si John Lloyd Cruz, sinabi ng talent manager ng sexy star na tanging si Ellen lamang ang dapat magsalita kung totoo o hindi ang tungkol dito.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results