Enchong Dee explains why being famous isn't all that great

IMAGE Nerisa Almo

Enchong Deeon being a celebrity: "We're trying our best to stay in the business, to be the best soldier for the company. But then again, tumaba ka lang ng kaunti, napamura ka lang sa social media minsan, di ba, parang mamamarkahan ka na, e."


Bukod sa pagiging showbiz personality, unti-unti na ring sinusubukan ni Enchong Dee ang pagiging businessman.

Nitong mga nakaraang taon ay nag-invest ang Kapamilya actor sa pagpa-franchise ng Peri-Peri Charcoal Chicken and Sauce Bar.

Sa ngayon ay part-owner siya ng tatlong branches nito—sa SM Megamall, Mandaluyong; U.P. Town Center, Quezon City; at Marquee Mall, Pampanga.

Para kay Enchong, wala naman halos pagkakaiba ang pagiging celebrity at businessman.

Sa bago niyang pinagkakaabalahan, pinapaalalahan din daw siya nitong manatiling mapagpakumbaba.

Dagdag pa niya, “The feeling that you should always be on your toes.

“Say, for example, sa restaurants, magkamali ka lang o mayroon lang makitang isang pagkakamali sa food ninyo, yun na ang tatatak sa 'yo.

“Like sa show business, kahit na gaano karami ang kagandahang ginawa mo, kapag nagkamali ka lang, napamura ka lang o napiktyuran ka lang, totally iba na ang tingin sa 'yo ng tao.

“It's the same thing, you should always be on your toes.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Enchong matapos siyang ipakilala bilang kauna-unahang celebrity ambassador ng Peri-Peri Charcoal Chicken and Sauce Bar sa Greenbelt 3, Makati City, noong Biyernes, November 17.

UNFAIR REALITY. Kaugnay nito, inamin ni Enchong na minsan ay nakakasama ng loob na mas naaalala ng mga tao ang pagkakamali ng isang celebrity.

Sabi ng 29-year-old actor, “I think lahat ng artista ay guilty doon sa part na yun, kasi siyempre, at the end of the day, we're just employees.

“We're trying our best to stay in the business, to be the best soldier for the company.

“But then again, tumaba ka lang ng kaunti, napamura ka lang sa social media minsan, di ba, parang mamamarkahan ka na, e.

“Sometimes it's unfair, but it's the reality.”

Diin pa niya, bahagi ito ng kontratang pinipirmahan ng isang artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“You always have to be conscious about your actions, you always have to be accountable for it.

“That's why kapag may lumalapit na mas batang artista, all you can do is to just say na it's the nature of our business.

“It's part of the business that's why you're getting paid.

“The moment you signed that contract, you have that acceptance na yun ang haharapin mo.”

COMPETITORS. Nang tanungin kung ano sa tingin niya ang mas mahirap, showbiz o negosyo, sandaling napaisip si Enchong bago sumagot.

“I'll go with show business siguro, kasi you're dealing with emotions, you always have to be presentable.

“Especially now, parang you're competing with everyone—you're competing with your seniors, you're competing with the millennials.”

Gayunman, sinabi ni Enchong na mapa-business o showbiz, palagi raw dapat isiping pandalian lamang ito.

“The feeling of temporary is there,” aniya tungkol sa pagiging businessman.

“Parang, okay, don't be so attached, don't be so emotional, because you know it comes and goes.

“Parang kung anuman yung ngayon, just enjoy it, improve it, and make the most out of it.”

Bagamat successful ang kanyang business, hindi naman daw naiisip ni Enchong na lisanin ang showbiz.

“I don't see myself actually retiring from show business.

“You can slow down a bit but you will always be there.

“If a good movie in the future comes to you, tapos nagustuhan mo, then go for it,” sabi niya.

Para sa Kapamilya actor, karagdagang source of income ang food business niya para sa kanyang kinabukasan.

“In the future, I just don't want to be on my knees begging for work, di ba?

“Parang yung 80 years old na ako pero nagmamakaawa pa rin ako na, 'Bigyan ako ng trabaho, kailangan ko ng pagkain.'

“I don't mean anything sa sinabi ko, pero it's the reality.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We saw that kind of reality with stars before, and yet they have to work even at the age of 70 or 60 years old.

“Dapat hindi na. Dapat you're enjoying life,” saad ni Enchong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN