Mommy Guapa still grieving over daughter Isabel Granada: "Mas nadi-depress ako lalo."

IMAGE Mark Atienza (right)

Isabel Granada's mother Isabel Villarama, or Mommy Guapa, admits getting depressed over the passing of her daughter. She received the posthumous award for her daughter at Walk of Fame Philippines event last night, November 21.


Inamin ng ina ni Isabel Granada na si Isabel Villarama, o Mommy Guapa, na mas nasasaktan siya ngayon kaysa noong mga unang araw ng pagkawala ni Isabel.

Sumakabilang-buhay si Isabel noong November 4 (Doha time) dahil sa brain aneurysm, matapos ang dalawang linggong pagkaka-confine sa Hamad General Hospital sa Qatar.

Bagamat malungkot, sinabi ni Mommy Guapa na masaya rin siya dahil binigyan ng posthumous award si Isabel sa Walk of Fame Philippines.

Ginanap ang induction sa Eastwood City nitong Martes ng gabi, November 21.

Emosyunal na tinanggap ni Mommy Guapa ang posthumous award ni Isabel kasama ang asawa ng aktres na si Arnel Cowley.

Saad ni Mommy Guapa, "Sobrang masaya dahil dito sa karangalang ibinigay.

"Pero malungkot kasi, unang-una, mas nahihirapan ako ngayon kaysa mga unang araw.

"Kasi parang mga unang araw, parang hindi pa ako naniniwala, parang ewan, iba.

"Pero ngayon, grabe ang pinagdadaanan ko araw-araw talaga."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang reporters si Mommy Guapa bago ang Walk of Fame Philippines event sa Outback Restaurant, Eastwood City.

Naaalala rin ni Mommy Guapa noong mga panahong nag-usap sila ni Isabel at sinabing hinihiling nitong makatanggap ng sariling bituin sa taunang Walk of Fame Philippines event.

Kuwento niya, "Pero masaya, pero malungkot, dahil sana siya ay personal na tanggapin itong award.

"Matagal, actually mga two, three years [na ang] nakaraan, sinabi niya, 'Sana ibibigay din sa akin isang walk of fame.'

"Sabi ko, 'Malay mo.'"

Pahayag ni Mommy Guapa, "Mas nahihirapan ako, lalo ngayon na situation, mas kasi... hindi ko maintindihan, mas nadi-depress ako lalo.

"Hindi basta-basta, hindi basta-basta matatanggap ko ito talaga, mahirap."

Bagamat nahihirapan siya sa kanilang sitwasyon, hindi nakalimutan ni Mommy Guapa na magpasalamat sa mga tagahanga ni Isabel.

"Sa mga fans, sobra kami, kahit ang anak ko, nagpapasalamat kami.

"Kasi siyempre, ganoon talaga, pag walang fans, walang artista, kaya sobra-sobra kaming nagpapasalamat."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Isabel's Mommy Guapa agonizes over leaving PH for good
Isabel's Mommy Guapa agonizes over leaving PH for good
Arnel Cowley opens up about wife Isabel Granada's passing
Arnel Cowley opens up about wife Isabel Granada's passing
Body of actress-singer Isabel Granada cremated
Body of actress-singer Isabel Granada cremated
Isabel Granada dies at 41
Isabel Granada dies at 41


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN