Hashtags member Paulo Angeles on tweet against Joey de Leon: "Nasaktan ako kaya nagawa ko yun."

IMAGE John Fontanilla

Hashtags member Paulo Angeles on veteran TV host-comedian Joey de Leon's "nalunod" caption of a throwback photo: "Maraming nasaktan sa ginawa niya, marami ang nag-react. Nasaktan ako kaya nagawa ko yun."


Handa raw mag-sorry ang Hashtags member na si Paulo Angeles kapag nagkrus ang landas nila ng veteran TV host-comedian na si Joey de Leon.

Ito ay kaugnay ng naging reaksiyon niya sa throwback photo ni Joey, kung saan nakalutang ito sa Dead Sea, ang salt lake na matatagpuan sa border ng mga bansang Israel at Jordan.

Caption ni Joey sa larawang ito: “Nuknukan ka na ng katangahan pag sa DEAD SEA nalunod ka pa!”

Nataon na ipinost ito ng Eat Bulaga! host noong araw na binigyan ng tribute ng It’s Showtime hosts ang Hashtags member na si Franco Hernandez, na namatay dahil sa pagkalunod.

Pagkatapos ay isang maanghang na mensahe ang inilagay ni Paulo sa kanyang Twitter account: “Tanda mo na bastos ka pa. Wala akong pake kahit sikat ka. Mga joke mo wala sa lugar. Sobrang bastos mo.”

Wala mang direktang binanggit na pangalan si Paulo, 20, sa kanyang tweet ay malinaw na si Joey ang kanyang pinapatutsadahan.

Binura naman kalaunan ni Joey, 71, ang caption sa kanyang throwback photo at tinanggal na rin ang mga komento rito.


Stories We Are Tracking

Joey de Leon draws flak over
Joey de Leon draws flak over "nalunod" caption

OUT OF ANGER. Ayon kay Paulo, dala lamang ng galit kaya siya nakapag-tweet ng ganun laban sa beteranong TV host-comedian.

Pero hindi na raw niya ito mababawi.

“Nangyari na, e, hindi ko na naman mababawi yun.”

Pinagsabihan din daw siya ng Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN na namamahala sa kanyang career.

“Of course, pinagsabihan ako, pero wala, nangyari na talaga, e.

“Hindi na mapapalitan yun, e.

“Matatanggal pa ba sa isip ng tao yun? Nangyari na, e.”

Ngunit paliwanag ni Paulo, “Kasi nagluluksa kami noon, tapos magdyu-joke ka ng ganun…

“Napag-usapan nga namin yun during nung lamay, naging topic ng isang araw.

“Maraming nasaktan sa ginawa niya, marami ang nag-react.

“Nasaktan ako kaya nagawa ko yun.” 

Ngunit handa raw siyang humingi ng paumanhin kay Joey kung sakaling magkita sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo naman, lahat naman ng problema dapat inaayos, e.

“Parang naglabas ka lang ng sama ng loob.

"Pamilya nga, di ba, minsan nag-aaway, e."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Paulo sa shooting ng indie film na A Lasting Love, sa Sacred Heart Parish, sa may Sacres Village, Quezon City, kahapon, November 21.

Ang A Lasting Love ay pinagbibidahan nila nina Justin Lee at Kira Baringer.

STILL AN IDOL. May galit pa ba siya kay Joey?

Tugon ni Paulo, “Hindi ko na nga iniisip, parang tapos na. Ba’t ko pa papatagalin yung galit?”

Naging idolo ba niya si Joey bilang komedyante?

“Oo naman! Sila nila Vic Sotto.”

Hanggang ngayon ba ay hinahangaan pa rin niya ito?

“Oo naman, lahat naman kasi tayo nagkakamali.

“Ako rin naman, sa buhay ko, nagkakamali ako.

“May mga pambabastos din akong ginagawa, aminado naman ako dun.

“Lalaki lang ako, na nung time na nasabi ko yun, galit ako.

“Tao din naman ako na nagagalit.”

Handa rin daw siyang makatrabaho si Joey kung mabibigyan ng pagkakataon.

Saad ni Paulo, “Sa trabaho naman natin, hindi mo naman puwede sabihin na ayaw mong katrabaho yung isang artista dahil may sama ka ng loob.

“Hindi naman tayo yung mamimili kung sino yung gusto natin katrabaho.

“Kung ako, go lang.

“Kung anuman ang naging mali ko, accepted ko yun.

“Lalaki ako, nagkamali ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN