Jean Garcia hopes next boyfriend will be her last: "Kung hindi lang, huwag na lang."

IMAGE Noel Orsal

Loveless Jean Garcia is a picture of happiness, proving her life is not centered on romance. "Priority ko are my kids, mas more nakatutok ako ngayon sa family. At mahal ko ang trabaho ko," she says.


Sa edad na 48, parang hindi na raw naghahanap si Jean Garcia ng lalaking para sa kanya.

Tatlong taon na raw siyang loveless.

“I’m single, single pa rin," sabi ng aktres.

“I’m single pero hindi ako available.

"Parang ganun, parang hindi siya priority.

"Mahirap i-explain, basta I’m single, pero nagdi-date naman."

Pero hindi naman daw matatawag ni Jean na dating yung paminsan-minsang paglabas-labas kasama ang ilang kaibigan.

Ang huling karelasyon niya ay isang businessman at umabot daw ito ng tatlong taon.

Hindi nag-work ang kanilang relasyon kaya naghiwalay sila noong 2014.

May hinahanap ba siya sa isang lalaking mamahalin niya?

Sagot ni Jean, “A, wala naman. Siyempre ang gusto ko, lifetime partner.

“Pero, kumbaga itong next, kapag sinasabi ko, akala ko yung past na karelasyon ko...

"Akala ko kasi, yun na, three years kami and three years ago na yun.

"Hindi dahil sa walang kapalit.

"Gusto ko... kung magkakaroon man ako ng next na boyfriend, yung lifetime na.

“Kung hindi lang, huwag na lang.

"Okey na akong single ako kasi happy naman ako.

“Ngayon, three years na akong walang boyfriend, okay lang din, masaya din.”

Hindi ba niya nami-miss na may makakatabi sa pagtulog?

Nakangiting tugon ni Jean, "Siyempre nakaka-miss din ang may katabi, pero hindi kasi siya priority.

"Parang ang priority ko are my kids, mas more nakatutok ako ngayon sa family.

"And sa career na palagi namang nandiyan at hindi ko naman pinapabayaan.

"At mahal ko ang trabaho ko."

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jean sa grand presscon ng bago nitong kinabibilangang primetime series sa GMA Network, ang Kambal, Karibal.

Ginanap ang presscon sa isang events place sa Quezon City kagabi, November 21.

PROUD KAPUSO. Masaya raw si Jean na mayroon siyang existing network contract sa GMA Network kahit hindi na siya bagets.

Saad ng award-winning actress, “Since 2006, nasa GMA, so under contract ako sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ano na, eleven years, I’m very happy siyempre.

"Yung tiwala, pagmamahal, at suporta na ibinibigay sa akin ng GMA, sobra-sobra.

"Like, sa edad ko ngayon, hindi ka na naman ina-under contract.

"Usually freelance, per project na lang, parang ganun.

“Pero ito, nagtiwala sa akin ang GMA, since 2006 nasa kanila na ako.”

Every three years daw siyang pumipirma ng kontrata sa GMA-7.

“Dati kasi, every two years, e. Pero itong huli, three years.

"So, hanggang May next year, hopefully, ire-renew nila ako ulit.

“Siyempre, I’m very happy with GMA.”

Sa Kambal, Karibal, gagampanan ni Jean ang role bilang si Teresa Abaya, ina ng kambal na sina Crisanta (Bianca Umali) at Criselda (Pauline Mendoza).

Kabilang din sa cast ng show sina Carmina Villarroel, Miguel Tanfelix, Alfred Vargas, Gloria Romero, Christopher de Leon, Jeric Gonzales, Rafa Siguion-Reyna, Kyline Alcantara, Sheree, at Gardo Versoza.

Mapapanood ito sa GMA Telebabad simula November 27.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN