Jeric Gonzales admits getting depressed over unproven cyber scandal

IMAGE Noel Orsal

Jeric Gonzales is one case among many in showbiz who suffer in silence from intrigues and scandals. He attests, "Madalas pong nararanasan ng mga artista 'yan. Hindi lang talaga ipinapakita or sinasabi. Ang daming pressure, intriga..."


Madalas na napag-uusapan ngayon ang tungkol sa cyberbullying at cyber scandal na nauuwi sa depression.
 
Bagamat hindi naman napatunayan, isa ang Kapuso talent na si Jeric Gonzales sa mga artistang nadawit sa cyber scandal.  

Inamin niyang dumaan din siya sa depression.

Pahayag ng 25-year-old actor, “Hindi kasi ako open sa parents ko pagdating sa ganyan.

“Ayoko namang mag-worry sila, usually itinutulog ko na lang.

"Pinag-pray ko na lang. Bahala sila, parang ganun."

Sabi pa ni Jeric, “Madalas pong nararanasan ng mga artista ‘yan.  

“Hindi na bago ‘yan, hindi lang talaga ipinapakita or sinasabi.  

“Ang daming pressure, intriga, palagi naming nararanasan.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jeric sa grand launch ng upcoming GMA primetime series na Kambal, Karibal, noong Martes, November 21.

MISSING SUPER MA'AM. Wala raw love life ngayon si Jeric.

"Wala, wala pa!” natawang sabi niya.

“Mga crush-crush lang,” dugtong pa niya, at inaming ang Kapuso star na si Janine Gutierrez ang crush pa rin niya hanggang ngayon.

Mas gusto raw talaga niyang mag-focus muna sa career.

“Wala talaga. Focus muna sa work.

“Ang dami ko pang dapat gawin dito sa showbiz.”

Nawala si Jeric sa kasalukuyang primetime series na Super Ma’am, pero kasama siya sa bagong primetime series ng Kapuso network, ang Kambal, Karibal.

Isa raw sa mga maituturing niyang paborito sa mga ginawang proyekto ang Super Ma’am, kung saan bida si Marian Rivera.
 
Aniya, “Na-hook lang ako sa Super Ma’am, yun kasi ang dream ko dati, yung superhero na role.

“Tapos si Ate Marian pa ang kaeksena ko palagi, sobrang bait pa, professional.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN