Maris Racal clarifies "exclusively talking" relationship with Inigo Pascual

IMAGE Melo Balingit

Maris Racal is grateful that Inigo Pascual is doing all the talking about their rumored romance. "Mahirap maging babae sa ganitong mga sitwasyon, kasi ako yung nape-pressure. Ako yung nasasabihan ng assuming, ako yung nagaganun. I'm happy naman na sinasabi niya yung totoo," she says.


Binigyang-linaw ni Maris Racal ang paglalarawan ni Inigo Pascual tungkol sa namamagitan sa kanilang dalawa.

“Exclusively talking” ang description ni Inigo sa kanilang relasyon, kakaiba sa exclusively dating or getting-to-know stage na karaniwang maririnig sa mga artista.


Stories We Are Tracking

Inigo Pascual says he's exclusively talking to Maris Racal
Inigo Pascual says he's exclusively talking to Maris Racal

Paliwanag ni Maris, “Hindi naman literal na kaming dalawa sa mundo, ayaw lang naming mag-entertain muna ng iba.

“Getting there siguro, ganun. No, wala pa.

“Mahirap kasi yung sitwasyon namin ngayon na bini-build pa lang yung career namin. Yung mga gusto naming mangyari.

"Siguro pag fulfilled na kami sa life namin. Satisfied na kami sa mga career namin, diyan na kami mas magpo-focus.

“Ayaw muna naming unahin kung ano ang mayroon sa amin.”
     
Dagdag pa ng 20-year-old Kapamilya talent, “Basta happy kami, as long as na nai-inspire namin ang isa’t isa.

“And nagagawa namin ang gusto namin, like writing songs, performing.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Maris sa digital media conference ng Hanggang Saan, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN, noong Martes, November 21.
   
THANKFUL. Nagpapasalamat si Maris na sa kanilang dalawa ay si Inigo ang mas vocal pag pinag-uusapan ang  tungkol sa kanila.
   
Paliwanag ng dalaga, “Nahihiya akong sumagot, mas naa-appreciate ko nga na siya yung very vocal.

“Mahirap maging babae sa ganitong mga sitwasyon, kasi ako yung nape-pressure.

“Ako yung nasasabihan ng assuming, ako yung nagaganun.

“I’m happy naman na sinasabi niya yung totoo, so kay Kuya Inigo na lang tayo.”
 
Aminado rin si Maris na boyfriend-material si Inigo at maraming espesyal na katangian ang 20-year-old singer na nagugustuhan niya.
   
“Yes, very humble, very honest, very respectful siya sa lahat ng nakakasalubong niya.

“Naaalala niya kahit once pa lang niya na-meet, hina-hug niya lagi.

“Very clingy siya sa mga tao na, ako, ganun din, nakikita ko ang sarili ko sa kanya.

“Hindi ako ma-hug talaga, siya yung very open, ako kasi tago lang.
   
“Siyempre, yung ngiti niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung abs? Nasa last priority na yun!” natatawa niyang sabi.
 
INIGO’S ABS. Marami ang nagulat sa abs na ipinakita ni Inigo nang rumampa ito sa Bench 30th anniversary sa MOA Arena.

Kahit si Maris ay nagulat din sa ginawa nito.

“First time kong nakita, wow! Dami, ha!

“Sabi niya magdya-jacket lang siya tapos kaunting pag-abs lang.

“Hindi ko naman tinanong kung anong suot niya, nagulat na lang ako na nakita ko.

“‘Okey, ang sexy mo pala, ha.’

“I'm happy na ganun ang katawan niya, nagulat lang din ako.

“Kasi wala akong alam sa itinatago niya, ‘Keep working out.’”
 
Sa nakaraang Maalaala Mo Kaya episode na pinagbidahan ni Iza Calzado ay si Maris ang gumanap ng batang Iza.

Dito ay may rape scene si Maris, na ipinaalam daw niya kay Inigo.
   
Lahad ng dalaga, “Yun ang asaran namin ngayon.

"Pero yung rape scene, kinausap ko siya dun, nagpaalam din ako.

“‘Shall I do this?’ Kasi first time ko ngang nagawa.

“Game kasi talaga ako sa MMK. Pag MMK, yes talaga, go lang ako.

“Wala siyang say, very supportive naman siya,

“Nagulat nga ako, akala ko pagbabawalan niya ako.

“Pero sabi niya, 'Go lang, kaya mo ‘yan.'”
    
HANGGANG SAAN ISSUES? Samantala, sa seryeng Hanggang Saan ay makakapareha ni Maris si Yves Flores.

Makakaranas kaya siya ng pamba-bash sa MarNigo fans?
   
Saad ni Maris, “Okay naman kami, kami kasi ni Yves and Iñigo, nagka-work na kami dati.

“Nung first draft ng Bloody Crayons, okay naman kami.

“Hindi naman kasi ang mga MarNigos yung mga nababasa ko, nakakatawa ang mga tweets nila.

“Gusto nila okay lang kahit walang projects, basta in real life daw.

“Wow! Nakaka-pressure, we don’t know what’s gonna happen, pero right now, masaya.”
 
Excited din daw si Maris na makakatrabaho niya sa Hanggang Saan ang mag-inang Sylvia Sanchez at Arjo Atayde.
   
Ayon sa former PBB housemate, “Naka-work ko na si Ms. Sylvia sa Ningning, yun nga, sobrang na-surprise ako na sobrang bait niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Galante, kung paano siya umarte, ang galing talaga.

“Ang pinaka-exciting part ay makakatrabaho ko si Arjo, kasi ang galing-galing niya sa Probinsyano.

“Now makaka-work ko na siya, that means marami akong matututuhan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN