Jake Zyrus shuts off netizen over "Who's Jake Zyrus?" comment

IMAGE Mark Atienza

Jake Zyrus hits back at netizen who criticized him and his singing capability.


Sinagot ni Jake Zyrus ang isang netizen na minaliit siya at ang kanyang kapasidad bilang isang singer.

Nagsimula ang lahat nang mag-tweet si Jake sa pagkaka-induct niya at pagkakaroon ng sariling star sa Walk of Fame event, sa Eastwood City, Libis, Quezon City, nitong Martes, November 21.

Bukod sa 25-anyos na singer, ilan pang local celebrities ang dumalo sa event para sa kanilang induction. 

Isang netizen (AnaSanc85204105), na tila taga-Canada, ang nagkomento ng ganito: "Who's Jake Zyrus? Nobody here in Canada knows that person."


Nag-comment din ang netizen na ito sa ibinahaging YouTube video ng concert ni Jake sa Toronto, Canada, noong 2014.

Ayon sa netizen, tila hindi matagumpay ang concert at hindi maganda ang acoustic numbers dito.


Banat naman ni Jake sa netizen: “Lowkey hating, ma’am. Di mo na lang derechuhin ang gusto mong ipahiwatig hindi yung eenglishin mo pa ako.

“Wether you know the person or not, di mo dapat minamaliit.

"Pinoy ka. Suportahan mo. Wag bitter. God bless."

Pagkatapos ng sagot na ito ni Jake ay hind na muling nag-tweet ang netizen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN