Miggy Tolentino on his humble family background: "Nanghihiram lang kami dati ng washing machine."

IMAGE Noel Orsal

Miggy Tolentino is making hay as a mainstay in Eat Bulaga! and everything he earns goes to his family: "Ang goal ko para sa pamilya ko. Huwag nang magtinda ang mama ko, huwag nang magtrabaho ang papa ko kasi matanda na po sila, e."


Naging emosyunal ang That’s My Bae member na si Miggy Tolentino nang tanungin kung ano na ang naipundar niya mula sa mga kinita niya sa showbiz.

“Inuna ko po muna kasi ang family, e, bago ako nagpundar ng para sa sarili ko,” may kalungkutang sabi niya.

Ano ang mga binili niya?

“Yung mga gusto nina Mama, kasi nanghihiram lang kami minsan dati ng washing machine.”

Dito ay nagsimula nang mangilid ang luha sa mga mata ni Miggy.

“Yung kapatid ko, mama ko, nagpapaaral, nagtitinda lang po kasi ng almusal ang mama ko.

“Ang papa ko naman nagpipintura ng mga jeep, so minsan hindi sapat para mapag-aral kami so nagpaparaya ako.

“Para yung mga kapatid ko makapasok, ako hindi makapasok, okey lang yun.

“Kasi  alam ko na mas may future sila sa pag-aaral  kesa sa akin.

“Nabilhan ko na ng washing machine si mama, ng computer, laptop, para sa kapatid ko.

“Nakapagpagawa na ako ng kuwarto sa isang  bakante sa second floor, napapinturahan ko na ang buong bahay.

“Naibili ko na ng motor yung papa ko, after nun nagpundar naman ako para sa sarili ko, sinimulan  ko sa kotse.

“Meron na rin po akong sariling motor bukod dun sa motor ng papa ko.”

Ginagamit daw niya ang motor niya kapag may Eat Bulaga! at traffic.

Mainstay sa naturang GMA-7 noontime show si Miggy at ang buong That’s My Bae group.

ALL FOR FAMILY. Dalawang taon na si Miggy sa Eat Bulaga!, “Hard work po talaga.

“Kasi po nung kasagsagan ng Trops, nung That’s My Bae, yung time na yun, marami po kaming shows sa labas.”

Sunud-sunod ang mall shows at out-of-town guesting ng mga Baes.

“Kaya ayun po nakapag-ipon po, ang pangarap ko po, ang goal ko para sa pamilya ko.

“Huwag nang magtinda ang mama ko, huwag nang magtrabaho ang papa ko kasi matanda na po sila, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So eto na siguro na yung time para mag-retire na sila sa pagtatrabaho.

“Kasi po masakit ang kasu-kasuan ng mama  ko, yung trabaho po kasi nila, mahirap kung iisipin po talaga.

“Gigising ka ng 2 a.m., kasarapan ng tulog, magluluto ka, mababasa ka kasi kailangan mo ring maghugas ng pinggan.

“Gigising pa kaming magkakapatid five a.m. pa kasi yung mama ko, gusto natutulog kami kasi pumapasok kami.

“So ang pangarap ko simple lang, yun lang, na matapos na yung pagtitinda nila, na ako na ang magtatrabaho.”

Two years na raw hindi nagtatrabaho ang mga magulang niya simula nang maging artista si Miggy.

“Okey na po yun, kasi po pangarap ng papa ko... Mag-drive nga lang ng kotse ang pangarap niya, e.

“Ngayon po ang dina-drive niya ay kotse ng anak niya,” at muling nangilid ang luha sa mga mata ni Miggy.

“Sabi ko, ‘Hindi akin ito, ‘Pa, atin ito!’

“Iyon nagda-drive siya ng kotse pagka minsan may taping ako sa Subic, malalayo.

“Gusto ni Papa nakakapunta siya sa ibang lugar, sinasama ko yung papa ko, yung kapatid  ko.”

Nakausap ng PEP.ph si Miggy kahapon, November 21, sa launch ng buong That’s My Bae group bilang endorsers ng Heroes Barbers, na isang barber shop/grooming salon para sa mga kalalakihan at maging sa mga kababaihan.

FIRST ENDORSEMENT. Ang mga That's My Bae members ay kinabibilangan nina Miggy, Kim Last, Jon Timmons, Tommy Penaflor, Joel Palencia at Kenneth Medrano.

Ito ang pinakaunang endorsement ni Miggy kaya labis ang pasasalamat niya.

“Sunud-sunod po, bale first teleserye, first movie ’tapos first endorsement.

“Actually, pagkatapos ng Trops, nagkaroon na ako ng mga guesting na first time din.

“Sobrang nagpapasalamat ako kay God, kada matutulog nagpapasalamat ako na.

“Kahit sa tingin ko hindi ako karapatdapat, ginagawa ko yung best ko.

“Para maging karapatdapat sa mga blessings na sa tingin kong hindi naman dapat para sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya ginagalingan ko po. Nakakatuwa kasi.”

IN THE COMPANY OF JOWAPAO. Kakatapos lamang umere ng Kapuso daytime series na na Trops nitong September, at pinalitan ito ng The Lolas Beautiful Show, na pinagbibidahan ng grupong JoWaPao na sina Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros

Kasama rin si Miggy sa pelikulang Trip Ubusan: The Lolas VS Zombies kung saan bida rin ang JoWaPao.

Palabas ito ngayon sa mga sinehan at Graded A ng Cinema Evaluation Board.

The night before ay nagkaroon ng premiere night ang pelikula sa Cinema 7 ng SM Megamall.

Nang nalaman ni Miggy na Graded A ang Trip Ubusan, ano ang naramdaman niya?

“Sobrang nakakatuwa po,” ang bulalas ni Miggy. “Kasi ako para sa akin Graded A talaga, e. 

“Kasi po nung napanood ko talaga kagabi, nakakaiyak, nakakatuwa, so talagang napakagandang movie po talaga.

“Nakakatuwa po kasi yung Graded A na movie, e, kasama ako so sobrang ang sarap po sa pakiramdam.”

Produced ang Trip Ubusan: The Lolas VS Zombies ng APT Entertainment at M-Zet Productions ay sa direksyon ni Mark Reyes.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN