Ejay Falcon denies marrying Jana Roxas in the U.S.

IMAGE Instagram photo of Ejay Falcon

Ejay Falcon is happy that he was able to reunite Jana and her father, whom she hadn't seen for 27 years. "At least siya, buo na siya." Ejay, for his part, remains hopeful that he will also find his biological French father, who is said to be residing in France. 


Espesyal ang naging kaarawan ng Kapamilya actor na si Ejay Falcon dahil nagkaroon sila ng quality time ng girlfriend na si Jana Roxas sa U.S.A. noong nakaraang buwan. 

Nagdiwang ng kanyang ika-28 na kaarawan ang Kapamilya hunk noong November 21.

Sa naging bakasyon nina Ejay at Jana sa U.S., pinuntahan nila ang ama ni Jana na 27 years nang hindi nakikita ng huli.

Kaya may mga nag-isip na marahil ginawa raw ni Ejay ang mapagtagpo si Jana at ang ama nito upang makahingi na rin ng blessing para sa pagpapakasal nila ni Jana.

Pero nilinaw ni Ejay ang lahat ng mga espekulasyon na kinasal na sila ni Jana sa U.S. nang mag-guest ito sa show ni Boy Abunda na Tonight With Boy Abunda noong nakaraang Lunes, November 21.

Sa panayam kay Ejay, sinabi niyang walang katotohanan ang usap-usapang kinasal na sila ni Jana sa U.S.

Gusto pa raw nilang ma-improve ang relasyon nila at nais ding hanapin ni Ejay ang kanyang biological father na isang French national.

“Gusto kong malaman 'yong mga kuwento niya.

 “Kung ano 'yong nangyari, bakit siya nawala,” diin pa ni Ejay.

Nauna namang nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ejay sa presscon ng Barbi D'Wonder Beki noong nakaraang November 7, sa Limbaga 77 Restaurant sa Quezon City.

Dito, sinabi ni Ejay na siya mismo ang gumawa ng paraan para magkita sina Jana at ang biological father nito.

 “Actually, ang nangyari, dapat magdya-Japan kami kasi last year nag-Japan kami," kuwento ni Ejay.

“And then, si Jana kasi hindi niya nakita yung tatay niya since birth. So parang naisip ko na sorpresahin siya.

“So, inayos ko lahat. Nagpa-book ako papuntang U.S. 'tapos lumipad kami doon kahit sandali lang.

“Sabi ko, parang wala pa akong birthday gift sa kanya, so ‘yon na lang. ‘Mag-U.S. na lang tayo.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nasaksihan ni Ejay ang reunion ni Jana at ng biological father nito.

Pinapanalangin din ngayon ng aktor na makilala na rin niya ang biological father niya.

“At least siya, buo na siya. Ako, hindi pa," paliwanag ni Ejay.

“Pero hindi naman ako nawawalan ng pag-asa.

“Alam ko malapit na rin yon,” diin pa niya.

Ginagawa na raw ni Ejay ang lahat para mahanap ang kanyang ama na nakatira pa rin daw sa France.   


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN