Sa pambihirang pagkakataon, nag-post ang dating magkasintahang sina Andi Eigenmann at Jake Ejercito ng larawan nang magkasama.
Parehong dumalo ang dalawa sa birthday celebration ng kanilang anak na si Ellie na idinaos sa school nito.
Nag-share sina Andi at Jake sa Instagram Story ng larawan na makikita silang magkasama, kasama si Ellie at ang kanyang classmates sa school.
Ipinagdiriwang ni Ellie ang kanyang ika-6 na kaarawan ngayong araw, November 23.
Sa kanyang Instagram account, nag-post ng pagbati si Andi para kay Ellie.
Sunud-sunod naman ang tweet ni Jake ng mga larawan nila ni Ellie na kuha sa bakasyon nilang dalawa sa Dumaguete noong nakaraang linggo.
Adding this weekend to "one of the best weekends of my life" list #manjuyod https://t.co/oPzm4jQe84 pic.twitter.com/HNwxdshJXV
— Jake Ejercito (@unoemilio) November 19, 2017
It ain't a dream, my love https://t.co/4QGrnf3goZ pic.twitter.com/Cu2sy1ebJ7
— Jake Ejercito (@unoemilio) November 16, 2017
