Rachel Peters calls out uploader of her evening gown: "You're not dragging me down."

IMAGE Instagram photo of Rachel Peters

"To whoever leaked pictures of my evening gown, thank you for teaching me a lesson about being more careful who you trust," Rachel Peters posted on her Instagram Story after her supposed evening gown for Miss Universe 2017 leaked on social media.


Nagbigay ng mensahe si Miss Universe Philippines Rachel Peters sa taong nag-upload ng kanyang evening gown na susuotin niya sa finals night ng prestihiyosong beauty pageant.

Kumakalat kasi ngayon sa social media ang gold gown na gawa ni Val Taguba, na plano diumanong suotin ng 26-year-old Pinay beauty queen.

Tita Lavinia: Will we see this golden caped beauty at the MU finals? Stay tuned ???? Eme eme lang mungtanga kase sana tumalab pa tong scheme na to. Kung May seatmates kayo di gets tong post na to paki tulungan nlang. Imbyerns mag explain ???? Update: Mukang may bisa to. Anuvaaaaaa. Admin friends lam nyo na. Pa pick up sticks na to ng mga nasa kabilang ibayo. Need natin mag appear disappear one half one fourth yung truelaloo na pic. Kaya patungan nyo nlang nito. Again ha ???????????? give na give kayo AWARD! ???? ???? @valtaguba -Gold- Val Taguba Bridal Couture #valtagubabride #moulage #hautecouture @michaelcinco5 @ezracouture @bandoix @ilang_ilang_co #Rachel4MU #RachelPeters #PETERSfan #missuniverse #missuniverse2017

A post shared by Pageant Titas (@titasofpageantry) on

Sa pamamagitan ng Instagram Story kanina, November 3, nag-iwan ng mensahe si Rachel sa uploader ng kanyang finals gown.

Hindi niya tinukoy kung sino ito, pero sabi niya, “To whoever leaked pictures of my evening gown, thank you for teaching me a lesson about being more careful who you trust.

“Not sure what your intentions were but no matter what, you're not dragging me down.”

Sa kabila ng pagiging viral ng gown, nananatiling kumpiyansa pa rin si Rachel na mas maipapakita niya ang ganda nito kapag naisuot na niya.

Aniya, “At the end of the day, it's not about the dress you wear, how you walk or even the elements of surprise. What's important is that you are kind and true to yourself... that's when a girl truly shines!”

Gayunman, hindi tinukoy ni Rachel kung ang naging viral na evening gown ang kanyang gagamitin sa pageant night.


Sa ginanap na Miss Universe 2017 preliminary competition sa Las Vegas noong Martes, November 21 (Manila Time), ipinakita ni Rachel ang kanyang sexy figure habang suot ang black bikini sa swimsuit competition.

Ipinakita rin ni Rachel ang kanyang “infinity walk” nang rumampa siya suot ang kanyang evening gown na gawa pa rin ng Pinoy fashion designer na si Val Taguba.

Ibinida naman ng Miss Universe 2017 Pinay candidate ang kanyang national costume tampok ang golden sarimanok sa ginanap na pre-pageant activities noong nakaraang weekend.

Paglalarawan ni Rachel, “A modern twist of the legendary Sarimanok. A symbol of good fortune for the Maranao people.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gaganapin ang finals night ng Miss Universe 2017 sa Las Vegas sa Lunes, November 27.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN