Jon Lucas on basher's below-the-belt comment: "First time ko nakabasa na sana ako na lang namatay."

by Rachelle Siazon
Nov 23, 2017
Hashtag Jon Lucas on his basher who wished him dead: "Sa akin po, wala, hindi po ako na-down or hindi nga ako nainis sa kanya, e. Ang reply ko pa nga sa kanya, 'Sana nga kahit basher kita, sana napasaya kita kahit minsan.'"

Aminado si Jon Lucas na ikinagulat niya ang pambabastos ng isang basher na nagsabing mas mabuting siya na lang ang namatay kaysa sa co-Hashtags member niyang si Franco Hernandez.

Pahayag ni Jon, “May mga bashers po before, pero first time ko nakabasa na sana ako na lang namatay, ganun.”

Kaugnay ito ng tweet ng Twitter user na si @kimikimo0111, na ikinagalit ng husto ng comedian-TV host na si Vice Ganda.

Maging ang mga tagasuporta ng grupong Hashtags, na napapanood sa ABS-CBN noontime show na It’s Showtime, ay na-offend sa tinuran ng basher.

Lalo na’t kasagsagsan ng pagdadalamhati sa pagpanaw ni Hashtag Franco, na aksidenteng nalunod sa Davao Occidental noong November 11.

Pero ayaw na raw ni Jon palakihin pa ang isyu.

Patuloy ng 22-year-old Hashtag member, “Sa akin po, wala, hindi po ako na-down or hindi nga ako nainis sa kanya, e.

“Ang reply ko pa nga sa kanya, ‘Sana nga kahit basher kita, sana napasaya kita kahit minsan.’

Continue reading below ↓

“Ta’s dun na sila nag-start na ma-bash rin.”

Nakapanayam si Jon ng Push.com.ph at nakunan din ito ng video ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng presscon ng Haunted Forest noong Sabado, November 19.

Ayon kay Jon, nag-private agad ng Twitter account ang kanyang basher nang magtamo ito ng pambabatikos dahil sa hindi magandang salitang binitiwan nito.

“Pero may mga statement siya sa Facebook na nilalabas, ta’s sini-share lang ng mga fans, so nabasa ko lang.

“Dun na ako nag-status sa Facebook na huwag na patulan.”

Hindi lang daw akalain ni Jon na tila kinunsinti pa ng mga kaibigan ng basher ang ginawa nitong pambabastos sa kanya.

Ani Jon, “May mga kaibigan din yung nang-bash sa akin na parang may mga sinasabi pa nga na, ‘Hindi naman mali ginawa mo, opinyon mo lang naman yun.’

“So, para hindi na lang lumaki, na sila na lang yung may sinasabi, nag-status ako na, ‘Huwag na tayo magsalita ng laban sa kanila para ok na lang lahat, relax lang.’”

Continue reading below ↓

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Read More Stories About
Hashtags
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hashtag Jon Lucas on his basher who wished him dead: "Sa akin po, wala, hindi po ako na-down or hindi nga ako nainis sa kanya, e. Ang reply ko pa nga sa kanya, 'Sana nga kahit basher kita, sana napasaya kita kahit minsan.'"
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results