James Reid and Nadine Lustre strongly deny baby rumors anew

by Arniel C. Serato
Nov 23, 2017
Pinagtatawanan lamang nina James Reid at Nadine Lustre ang panibagong intrigang buntis ang dalaga. Hindi ito ang unang beses na napabalitang buntis si Nadine dahil naintriga na rin ang 24-year-old Kapamilya actress tungkol dito nitong mga nakaraang buwan. 

Hindi na bago para kay Nadine Lustre ang intriga tungkol sa diumano'y pagbubuntis niya.

Nitong mga nakaraang buwan, naintriga na ring buntis siya sa boyfriend niyang si James Reid.

Ngunit pinabulaanan din nilang dalawa ang tsismis na ito.

Kasunod ng paglabas ng balitang buntis si Ellen Adarna sa magiging panganay nila ng nobyong si John Lloyd Cruz, may blind items namang lumalabas na diumano’y buntis ang isang sikat na celebrity sa boyfriend niya na ka-loveteam din daw ng babae.

Sa ulat ni Mario Dumaual sa TV Patrol ng ABS-CBN kagabi, November 22, tinawanan lang nina Nadine at James ang isyu.

Sabi ni Nadine, “Ha? Wait lang, saan galing yan?”

Pabirong sabat ni James, “No, I’m having a baby.”

Susog din ng aktres, “Si James [ang baby] po yun.”

Sinundan naman ito nang malutong na halakhak ng dalawa.

Dagdag pa ni Nadine, “Wala yun. Sa'n ba galing yun?”

Samantala, balik-shooting na ang real and reel-life sweethearts para sa bago nilang pelikula under Viva Films na may tentative title na Five Years Later.

Continue reading below ↓

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Read More Stories About
James Reid, Nadine Lustre
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinagtatawanan lamang nina James Reid at Nadine Lustre ang panibagong intrigang buntis ang dalaga. Hindi ito ang unang beses na napabalitang buntis si Nadine dahil naintriga na rin ang 24-year-old Kapamilya actress tungkol dito nitong mga nakaraang buwan. 
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results